Friday , January 3 2025
road accident

Vendor, 3 bata inararo ng nakaparadang van pero umandar

SUGATAN ang isang fruit vendor at tatlong menor de edad nang umandar ang nakaparadang L300 van at inararo ang mga tindahan ng prutas sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronela Rosales Zabala, 29, vendor, nakatira sa Brgy. North Fairview, Quezon City; magkakapatid na sina Mark Daniel Gatmaitan, 12; Jenella, 15, at ang 4-anyos na si Jamir.

Agad inaresto ang may-ari ng van na si Michael Aguilar Yu, 40, residente sa Katuparan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang 10: 00 pm nitong Lunes, 4 Marso nang mangyari ang insidente  sa  Commonwealth Ave., sa harap ng Litex Market, Brgy. Commonwealth.

Sa imbestigasyon ni P/Col. Jenmark A. Betito, ng Traffic Sector 5, ipinarada umano ni Yu ang kaniyang minamanehong  Mitsubishi L300 Van, may plakang TLW 616.

Makalipas ang ilang sandali ay umandar pasulong ang L300 Van deretso sa mga tindahan  ng prutas at nahagip ang vendor, maging ang tatlong bata.

Agad na isinugod ang mga biktima ng Barangay Commonwealth Rescue Ambulance sa Rosario Maclang Bautista General Hospital para agad malapatan ng lunas.

Inihahanda na ang kaso laban sa driver ng van. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …