Monday , December 23 2024
road traffic accident

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi sa aksidente sa kalsada sa Brgy. Balite, San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga, Pebrero 28.

Kinilala ni Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima na si Patrolman Edmond John Arenas, 26, ng Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija, na miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company na naka-istasyon sa Patrol Base sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan, . 

Ang biktima ay nasawi habang nasa tungkulin dahil sa aksidente na kinasasangkutan ng isang sasakyang may marka ng gobyerno, ang Mitsubishi L200 na minamaneho ni Joel Rivera, 53, residente ng 16 Urban Street, Ibung Villaverde, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-5:00 ng umaga ay binabaybay ng police-marked vehicle, isang Troop Carrier Hyundai 100, na minamaneho ni Patrolman Klein Orbita, ang southbound patungong Maynila. 

Habang tumatakbo ang sasakyan ay napag-alamang hinihingal umano si Patrolman Edmond John Arenas na sakay sa likod ng mobile vehicle. 

Dito na siya nahulog mula sa likod ng mobile vehicle at aksidenteng nabangga at nasagasaan ng paparating na Mitsubishi L200 na may plakang SJS946 na pag-aari ng local government unit ng Villaverde, Nueva Vizcaya at minamaneho ni Joel Rivera.

Ang biktima ay isinugod sa San Miguel District Hospital para sa atensiyong medikal , kung saan siya ay idineklara na dead on arrival ng attending physician.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang kaukulang reklamong kriminal laban sa driver na suspek na nasa custodila facility ng San Ildefondo MPS para sa pagsasampa sa korte.

Ayon kay PD Arnedo, ang pagkawala ni Patrolman Arenas ay labis na ikinalungkot ng mga miyembro ng Bulacan Police Provincial Office, ng kanyang pamilya, mga kasamahan, ng komunidad na kanyang pinaglilingkuran at ang kanyang dedikasyon at sakripisyo sa linya ng tungkulin ay laging aalalahanin at pararangalan.

Ang insidente ay nasa ilalim ng masusing imbestigasyon ng Bulacan Police Provincial Office upang matukoy ang mga pangyayari at mga sirkumtansiya na humahantong sa hindi magandang pangyayaring ito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …