Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echomac puwede nang manalo

Balik sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ang mga pakarera sa gabing ito, kaya magbabahagi kami ng giya at baka mapabilang ang aming mga nasilip na madalas manakbo diyan sa SAP.

MR. XAVIER – mainam ang itinakbo at nilaro-laro lang ng kanyang hinete. JADEN LABLOLO – ginawa ang lahat ni Jeff Bacaycay, iyon nga lang ay naging mas malakas sa kanya ang nakalaban. Sa kabayong iyan ay nabigyan pa ng suspensiyon na 6 na araw si Jeff dahil sa ‘Careless Riding”. LUCKY MASTER – bawi na lang sa susunod na takbo niya kapag wala ng carry over at baka mairaos na nila. ARANQUE – maganda ang diskarteng nagawa ni Jeff Zarate na hinayaan niya muna umarangkada ang mahigpit niyang kalaban at tsaka na lamang hiningan papasok sa rektahan.

FIELDS OF GOLD – hindi kagandahan ang ikinilos sa kamay ni apprentice rider Tong Basilio, kaya bawi na lang sa susunod at baka manalol  na. EARLY GREETINGS – malapit nang pitasin, kaya huwag iiwan. QUITEK WILLY – medyo lumalabas na ang husay. NURTURE NATURE – marami ang nag-alangan sa klase ng pagpapatakbong nagawa sa kanya.

CONQUEROR – mas nakikitaan ng buti kapag talagang siya ang magdikta ng ayre na hindi gaanong  kalakasan. MR. SLIM – pakiramdaman lang palagi bago tayaan. FACE TO FACE – lumabas ang buti nilang dalawa ng kanyang sakay na si Pati Dilema. VERMONT – bahagyang nakiputan lang sa kanyang daraanan pagsungaw sa rektahan. ECHOMAC – init na init na ito at malamang na magpasabog na ng panalo.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …