Wednesday , August 20 2025
Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang ang sampung lumabag sa batas sa operasyong inilatag ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.

Ang magkasanib na mga tauhan ng San Miguel MPS at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang nagpatupad ng search warrant order laban kay alyas Daniel, 33-anyos, sa kanyang tirahan sa Kalye 22 sa Brgy. Sta. Ines, San Miguel, Bulacan. 

Ang order to search ay inilabas ng Vice Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 16, City of Malolos, na naglalayong tugunan ang mga paglabag sa batas na nauukol sa mga iligal na armas. 

Nakumpiska sa pagrerekisa ng mga awtoridad ang isang magazine ng caliber.45 at dalawampu’t limang bala ng caliber.45, na inilagak sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa ballistic examinations. 

Ang mga naaangkop na reklamong kriminal laban sa naarestong suspek ay inihain na sa korte para sa karagdagang aksyon.

Samantalang sa serye ng anti-illegal drug operations ay nagbunga ng pagkaaresto sa anim na indibiduwal na sangkot sa illegal drug trade. 

Nakumpiska ng Calumpit at Meycauayan City C/MPS ang kabuuang sampung sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 14,280 at marked money.

Kasunod nito ay apat na indibiduwal na wanted para sa iba’t ibang krimen at pagkakasala sa batas ang naaresto ng tracker team mula sa 2nd PMFC, CSJDM, at Hagonoy MPS. 

Ang mga arestadong indibidwal ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng arresting unit/stations para sa tamang disposisyon.

Ipinahayag ni Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO,  na ang matibay na pangako ng kapulisan sa lalawigan sa pagsugpo sa krimen at pagtiyak ng kaligtasan ng publiko ay makikita sa mas pinaigting na operasyon tungo sa  pagiging epektibo sa pagliit ng mga krimen na may kaugnayan sa droga at paghuli sa mga lumalabag sa batas.(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …

Arrest Shabu

Irarasyong shabu sa nakakulong na mister nadiskubre, misis arestado

SA PINAIGTING na anti-illegal drug campaign ng pulisya sa Nueva Ecija ay humantong sa pagkakaaresto …