Monday , December 23 2024
San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM

HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto at miyembro ng choir,sa mga pinsalang dulot ng pagbagsak ng inaanay na palapag ng simbahang San Pedro Apostol sa Barangay Tungkong Mangga, sa City of San Jose del Monte, sa sakunang naganap kahapon, Miercoles de Ceniza, 14 Pebrero 2024.

         Sa opisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), una nilang nakalap ang impormasyon na mahigit 4o ang nasaktan dahil sa insidente ng pagbagsak, ngunit paglaon ay nabasa nila sa social media pages na namatay ang isang biktima.

         Bukod sa namatay na si Morales, umabot sa 52 deboto ang nasugatan at itinakbo sa iba’t ibang ospital sa loob ng lungsod ng San Jose del Monte hanggang sa ilang ospital sa Caloocan at Quezon City.

         Naganap ang insidente ng pagbagsak ng isang bahagi ng palapag dakong 7:30 am, sa bahaging nagpupunas ng abo sa noo sina Fr. Divino Albrin “Dave” Cayanan at ang ilang lay ministers.

         Sa panayam ng HATAW sa isang miyembro ng choir, kinilalang si Neth Guanlao, may narinig silang ugong at sigawan, saka namatay ang koryetne, kasunod ng pagbagsak ng palapag na gawa sa kahoy.

         Ayon sa ilang parishioners, ang bumagsak na palapag ay halos tatlong dekada na o kasing tanda ng simbahan na itinayo noong dekada 90.

         Inamin ng Parish Priest na si Fr. Romulo Perez, ang nasabing palapag ay hindi tinatantanan ng mga anay.

         Bunsod ng insidente, ipinag-utos ni Obispo Dennis C. Villarojo, na suriin at tiyakin ang kalagayang estruktural ng lahat ng mga simbahan sa Diyosesis ng Malolos lalo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Nagpaabot ng pakikiramay ang Obispo ng Malolos sa pagkamatay ng deboto at siya mismo ang naggawad ng huling sakramento — ang pagpapahid ng Santo Oleo sa noo ni Morales. 

Personal na binisita ni Obispo Villarojo ang mga nasugatan at nagpapagaling sa mga ospital, at ang Parokya ng San Pedro Apostol upang inspeksiyonin ito.

“We pray for the eternal repose of the faithful departed and we offer our sincere condolences and assurance of assistance to the family. As we pray for healing and consolation to all those affected, we invoke the consoling motherly care of the Blessed Virgin Mary and the steadfast faith of St. Peter,” pahayag ng Obispo.

         Kahapon, nahindik sa naganap na insidente ang mga deboto at mamamayan ng San Jose del Monte ngunit marami ang nagpasalamat dahil naging mabilis ang pagkilos at pagtugon nina Parish Priest Romulo Perez at ang Parochial Vicar Dave Cayanan.

Nagresponde rin ang iba’t ibang rescue team sa Lungsod ng San Jose del Monte at maging ng barangay na nakasasakop kaya agad naitakbo sa iba’t ibang ospital ang mga biktima.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Mayor Arthur Robes, personal niyang tinungo at inalam ang sitwasyon sa nangyaring insidente sa St. Peter Apostle Parish Church.

“Agad pong nagresponde ang ating San Jose del Monte City Police Station, Bureau of Fire Protection, City Engineering Office, CTM SCOG, CHO, at CDRRMO.

“Ipinagagamot din po natin ang mga kababayan nating nasugatan at naapektohan dahil sa pangyayaring ito.

“Mag-a-update po tayo at magbibigay ng buong detalye maya-maya lamang,” pagtitiyak ng alkalde.

“Suwerte lang din po na ‘yung pagkabagsak (niya), hindi ‘yung totally na bagsak nang buo kundi nagdahan-dahan. Nakatakbo po ‘yung ibang tao. Mayroong mga napilayan, nasugatan,” ani Robes.

Nakakordon pa rin ang paligid ng simbahan habang patuloy ang clearing operation ng mga awtoridad.

(Mga retrato at video clips mula sa netizens, Bulacan Public Information Office (PIO), at San Jose del Monte  Facebook page)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …