Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Slay Zone

Pokwang, nagpakita ng kakaibang acting sa pelikulang Slay Zone

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAKAIBANG Pokwang ang makikita sa pelikulang Slay Zone. Kung mas pamilyar ang marami sa kanyang pagiging komedyana, dito’y ibang Pokwang ang mapapanood ng moviegoers.

Tampok dito sina Pokwang at Glaiza de Castro, ito’y mula sa pamamahala ng premyadong director na si Louie Ignacio.

Gumaganap ang komedyana sa papel na chief of police sa isang bayan at madugo ang mapapanood dito. Plus, kaabang-abang din ang twist ng pelikulang ito.

Sa February 14 na ang showing nito sa mga sinehan, kaya nabanggit ng komedyana na madugong Valentine’s day ito.

Aniya, “Ibahin natin ang Valentine’s, lalong-lalo na iyong mga kagaya ko, chos! Hahaha!

“Isang madugong Valentine’s ito, pero Slay Zone po, medyo sumeryoso tayo nang bonggang-bongga rito. From comedy, si Mamang ay hindi magpapatawa rito, although kahit anong gawin ko ay nakakatawa talaga ang itsura ko.

“Maraming salamat Direk Louie and of course sa Wide International… kung gaano kaganda ang Papa Mascot, pinaiyak ako nang bonggang-bongga roon, na sila rin ang nagprodyus. Ito namang Slay Zone, kakaiba naman po ang ihahain sa inyo. Sa February 14 na po.”

Nang usisain siya sa isang mabigat na eksena nila ni Glaiza, ito ang tugon ng aktres.

“Ang bigat ng eksena naming iyon, masakit iyong eksenang iyon… Kaya nagpapasalamat ako kay Direk Louie sa tiwalang ibinigay niya sa amin ni Glaiza,” wika ni Pokwang.

Nabanggit naman ni Direk Louie na mayroong part 2 ang Slay Zone, kaya kaabang-abang talaga ang pelikulang ito.

Mula Wide International Film Productions, ang Slay Zone ay palabas na simula sa February 14, Araw ng Mga Puso. Kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Rico Barrera, Abed Green, Richard Armstrong, Tiktok sensation Queenay Mercado, Lou Veloso, Hero Bautista, Raul Morit, at Paolo Rivero. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …