Sunday , December 22 2024
Joy Belmonte Vendor business school QC

Vendor business school para sa QC vendors inilunsad

INILUNSAD kahapon ng Quezon City Government ang Vendor Business School (VBS) para sa 140 market vendors katuwang ang Consultative Group for International Agricultural Research (CGIAR) Resilient Cities Project. 

Sa bansa, tanging ang lungsod sa at Nairobi sa Kenya ang kasama sa pagpapatupad ng programang ito sa buong mundo.

Bahagi ang VBS ng Resilient Cities Project for Sustainable Food Systems na nilagdaan ni Mayor Joy Belmonte at Market Development and Administration Department (MDAD) Officer-in-Charge Ma. Margarita Santos, katuwang ang CGIAR Resilient Cities na pinamunuan naman ni Dr. Simon Heck. 

Ang CGIAR ay isang international research group na may layuning palakasin at pagbutihin ang estado ng daloy ng pagkain o food systems sa mga malalaking siyudad sa buong mundo tulad ng Quezon City para makamit ang food security.

Layunin ng VBS na paigtingin ang kakayahan ng mga vendor ng lungsod sa larangan ng entrepreneurship, pagnenegosyo, food safety, market technology, climate change, at pati na rin sa nutrisyon. Sasabak sila sa sampung (10) weekly training workshops at limang (5) buwang coaching at mentoring. 

Ituturo sa mga vendor kung paano magnegosyo na hindi lang magpalago ng kita ang layunin. Ibabahagi rin sa kanila ang mga kaalaman gaya ng epekto ng klima sa kanilang negosyo, pagtiyak na ligtas kainin ang kanilang paninda, at nutritional benefits ng mga pagkain. Mahalaga din ang pagkilala sa pamilya, kabilang ang mga relasyon sa kasarian, na maaaring makabuluhang makaapekto sa kanilang negosyo, at marami pang iba.

Sa tulong ng mga dagdag-kaalaman na ito, inaasahan ang mas magandang pamamalakad ng ating mga palengke at talipapa sa Quezon City.  

“Bukod sa digital improvements katulad ng Market One Stop Shop (MOSS) at PalengQR programs na nagpapaganda sa pamamalakad sa mga palengke, layunin din ng MDAD sa pamamagitan ng VBS na maiangat ang antas ng pagnenegosyo ng mga vendor o tindero at tindera,” ayon kay  Business Permits and Licensing Department Head at concurrent OIC ng Market Development Administration Department  (MDAD), Margarita Santos.

Dumaan sa masusing training of facilitators sa tulong ng CGIAR ang pilot team ng QC mula sa Market Development Administration Department (MDAD), Small Business Cooperative Development and Promotions Office (SBCDPO), at Quezon City Food Security Task Force (QC FSTF) secretariat.  Sila ang magsisilbing mga gabay ng market vendors.  

“Ang Vendor Business School ay nagbibigay halaga sa estado at kapakanan ng ating mga market vendors na may mahalagang papel na ginagampanan sa pagsasaayos ng ating public markets at pagdaloy ng pagkain sa ating lungsod. Layunin din ng VBS na mapalago ang kanilang mga negosyo, at makibahagi sila sa pangmatagalang layunin ng Quezon City na makamit ang food security,” ayon kay Mayor Joy Belmonte. 

Magsisimula ang puspusang workshops ng mga market vendors ngayong Pebrero at ang coaching at mentoring ay magtatagal hanggang sa kanilang graduation sa July 2024. 

Bilang insentibo sa kanilang pagkumpleto ng buong VBS Program, magiging kwalipikado ang mga vendor sa PangkabuhayangQC Program sa ilalim ng SBCDPO. 

Isa itong small business grant na nagkakahalaga ng Php10,000-P20,000 para makatulong sa kanilang mga negosyo.

Ang VBS ay bunga ng pagiging miyembro ng Quezon City ng Milan Urban Food Policy Pact (MUFPP), o grupo ng mga lungsod na nagsusulong ng pagpapabuti ng food systems sa mundo para mawakasan ang kagutuman. 

Ang VBS ay bahagi rin ng GrowQC Food Security program ni Mayor Joy Belmonte. 

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa GrowQC food security initiative maaring sumulat sa [email protected]

Nakibahagi din sa soft launching sina Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Mike Alimurung, Nonong Velasco na siyang Co-Chairperson ng  QC Food Security Task Force, Mona Yap, Head, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office, Andrea Villaroman, Head, Climate Change and Environmental Sustainability Department, Tina Perez, Head, Joy of Urban Farming, mga miyembro ng Quezon City Food Security at sina Arma Bertuso, CGIAR Resilient Cities Focal Person-Philippines. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …