Monday , December 23 2024
85 TRANSPORT TRUCKS HINULI SA BULACAN

Ilegal na nagbiyahe ng labis na mineral  
85 TRANSPORT TRUCKS HINULI SA BULACAN

SA DIREKTIBA ni Gobernador Daniel R. Fernando, 85 mga trak na nagbibiyahe ng mga mineral na lumagpas sa pinapayagang timbang ang hinuli sa lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bulacan Police Provincial Office at Bulacan Environment and Natural Resources Office.

Sa pamumuno ni Provincial Director Col. Relly B. Arnedo at pinuno ng BENRO Abogado Julius Victor C. Degala, nasamsam ang 85 trak habang ibinabiyahe ng mga ito ang mga mineral na lumabis sa timbang na nakasaad sa delivery receipt (DR) mula Enero 4-31, 2024.

Umaasa naman si Fernando na ang mga paglabag na ito ay magsisilbing babala sa iba pang trucking companies at operators at hinikayat ang mga ito na sumunod sa mga regulasyon na itinakda sa lalawigan.

“Mahalaga sa akin ang maayos at ligtas na pangangalakal sa ating lalawigan. Pinapaalalahanan ko kayong lahat na sumunod sa mga patakaran at maging responsable sa inyong mga gawain. Ang mga multa ay hindi lamang pagpaparusa kundi isang paalala na kailangang tayo ay sumunod sa batas. Huwag nating hayaan na ang interes ng ilan ay magdulot ng panganib sa ating lahat,” anang gobernador.

Samantala, pinatawan ang mga lumabag ng P865,000.000.00 na multa kung saan P240,000.00 ang nabayaran na at P625,000.00 naman ang halaga ng naiwang multa. (MICKA BAUTUISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …