Sunday , December 22 2024
Blind Item, Man, Woman, Money

Puso, bulsa protektahan ngayon Valentines Day

ITO ang paalala ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos  laban sa pagkalat ng mga mananamantala  o scammers ngayong Valentines Day.

Ayon kay Abalos, kailangan na maging maingat ang  publiko laban sa ‘love scams’ dahil gagawin ng mga ito ang  lahat upang makakuha ng  pera sa  sinumang indibidwal na kanilang mabobola.

Target  ng mga scammers ang mga indibiduwal na nagpapakita ng kanilang  ‘kalungkutan’  o status sa social media.

Kukunin ng mga ito ang kanilang tiwala  hanggang  sa paibigin  at saka peperahan.

“Yung love scam, tinitingnan nila (scammers) through your profile kung sino yung malungkot, nag-iisa. Ano yung music na hilig mo, ano yung hilig mong kinakain. Then yung weakness mo, doon ka pinapasok. Talagang sindikato,” ani Abalos.

Dagdag ng DILG chief, dahil sa  digital age, madali na lamang makapanloko na posibleng umabot sa  pangha-harass  at black mail gamit ang  mga sensitibong larawan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …