ANIM na personalidad na kabilang sa most wanted persons at dalawang high-profile na pugante ang nasakote ng kapulisan sa sunod-sunod na operasyon sa Central Luzon.
Ipinahayag ni PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na kabilang sa mga nahuli ay sina Juanito Dungo y Estrada (MWP Rank 7 Regional Level, Rank 8 Provincial Level – Bulacan, Rank 1 City Level); at Angelito Sixto y Castro (MWP Rank 10 Regional Level, Rank 2 ).Provincial Level – Zambales, Rank 2 Municipal Level).
Nahaharap si Dungo sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165, habang si Sixto ay inaresto dahil sa paglabag sa Acts of Lasciviousness alinsunod sa RA 7610.
Kabilang sa mga naaresto ay sina Joel Canlas y Ocampo (MWP Rank 5 City Level; RA 9165), Delfin Sayno y Cereno (MWP Rank 2 Provincial-Bulacan & Municipal Level; Statutory Rape), Herbert Lopez y Lacap (MWP Rank 3 Municipal Level; 3 bilang ng panggagahasa), at Macky Estacio y Colandog (MWP Rank 9 Provincial Level-Bulacan, Municipal Level Rank 5; RA 9165).
Pinuri ni PBGeneral Hidalgo Jr ang pambihirang pagsisikap ng kapulisan, na binibigyang-diin na ang mga pag-arestong ito ay ang hindi natitinag na pangako ng pulisya ng Central Luzon na itaguyod ang batas at tiyaking mananagot ang mga lumalabag. (MICKA BAUTISTA)