Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine School Athletics Association PSAA
Ang organizers at mga kinatawan ng eskwelahan sa paglulunsad ng PSAA. (HENRY TALAN VARGAS)

PSAA, nakatuon sa grassroots development

BAGONG pagkakataon at oportunidad sa mga batang players ang kaloob ng Philippine School Athletics Association (PSAA) – ang pinakabagong school-based league na nakatuon sa high school students — na sisibol sa unang Season sa Marso 3 sa Ynares Coliseum sa Pasig City.

Ibinida ni PSAA founder at tatayong Commissioner ng liga na si Fernando  ‘Butz’ Arimado  na may apat na kategorya – 18-under, 16-under, 14-under at 12-under (lalaki at babae) – para lahukan ng mga ekwelahan na nagnanais na mapalakas ang kani-kanilang programa at maihanda ang mga student-athletes sa mas mataas na level ng torneo sa hinaharap.

Bukod sa basketball, nakalinya ring isagawa ng PSAA ang volleyball, chess at athletics event.

“Hindi po mabubuo itong ating liga kung hind isa pakikipagtulungan ng ating mga school officials, coaches, managers at mga sponsors na patuloy na nagtitiwala sa ating kakayahan na magorganisa ng mgaliga para sa Kabataang Pinoy,” pahayag ni Arimado sa ginanap na team managers at coaches meeting nitong Sabado sa The Olive Place sa Mandaluyong City.

‘Malaking oportunidad ito para sa ating mga players na makalaro sa organisadong torneo at matulungan silang mas mapataas ang kalidad ng kanilang mga talent,” aniya.

Ayon kay Arimado, founder din ng National Youth Basketball League (NYBL) at kinatawan ng bansa sa International Youth Basketball League (IYBL), makakaasa ang mga kalahok na eskwelahan sa maayos at patas na liga particular sa aspeto ng technical at officiating na pangangasiwaan ng beteranong coach na si Edgar Perry Brojan bilang Deputy Operation and Technical head kasama ang assistant na si coach Joel Baldago.

Matapos ang opening ceremony, gaganapin ang liga sa home-and-away format upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga eskwelahan na maexpose ang kanilang mga players sa harap ng kanilang mga kamag-aral.

“This is a good opportunity for our student to develop further not just their skills but their character,” pahayag ni Ms. Theresa Dita Gracia Avendario-Pitalbo, Athletic Director at Principal ng Holy Deliverance Integrated Christian School -Angono.

Bukod sa HDICS, kabilang din sa kumpirmadong lalahok sa liga na itinataguyod ng Spalding (official ball), DataLand Inc., Titans, GotoBox, iSEED, Café Uno, RGG Stainless Steel, Seashore Petroleum, PRM Sportwear, Ringless Sports, Solar Sports bilang broadcast partner at Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) bilang media partner , ang Xavier School, De La Salle Zobel, San Beda, Marist School, New Era University, at St. Augustine International.

“Actually more than 50 schools at nagpadala ng intention na lalaro, pero kailangan naming makuha yung lahat ng mga dokumentong kailangan. If ever, umabot tayo ng 12 teams is already a good number, hatiin natin sa dalang grupo para matapos din natin within three months,” sambit ni Arimado. 

Kinilala rin ni Arimado ang suporta ng Spalding, sa pamumuno ni Joven Babaan, ang vice president ng Proline Sports Center, Inc., gayundina ng DataLand na kinatawan nina Ms. Helen Zablan, In-House Sales Manager at Ms. Maricris Marcelo, Account Sales Manager.

“We’re always being a partner in basketball development kaya makakaasa kayo ng tulong sa amin,” sambit ni Babaan.(HATAW NEWS TEAM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …