Thursday , April 17 2025
PBBM Daniel Fernando Bulacan

Sinalubong ni Gov. Fernando sa Bulacan
PBBM PANAUHING PANDANGAL SA KOMEMORASYON NG IKA-125 ANIBERSARYO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS

SINALUBONG ni Gobernador Daniel R. Fernando si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at lahat ng nasyunal at lokal na delegado sa komemorasyon ng Ika-125 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon ng umaga, Enero 23.

Ani Fernando, nag-ugat ang mga simulain sa pamamahala ng bansa sa dakilang Lalawigan ng Bulacan.

“Ang Kongreso ng Malolos ang nagtakda ng Unang Republika ng Pilipinas, ang kauna-unahang malayang republika sa buong Asya; dito binalangkas ang unang Saligang Batas ng Pilipinas; at dito unang itinatag ang mga pamantayan para sa isang matapat na pamahalaan at mataas na uri ng pulitika,” anang gobernador.

Samantala, sinabi ng Pangulo na patuloy na nagbibigay-inspirasyon ang kasaysayan na nabuo sa Simbahan ng Barasoain sa mga Pilipino upang malampasan ang mga pagsubok na humaharang sa martsa ng bansa tungo sa pag-unlad.

“To a world skeptical of a former colony’s capacity for self-rule, the Malolos Republic erased all doubts. To the Filipinos who liberated their own selves by blood but were doubtful that the promises of the revolution could be redeemed, the Malolos Republic raised their hopes once again for a brighter tomorrow,” ani PBBM.

Idinagdag pa niya na bilang tagapangalaga ng legasiyang ito, inaasahan ang mga Pilipino na gawing maayos ang ekonomiya, matatag ang demokrasya, ligtas ang hinaharap, at matibay ang bansa.

“As beneficiaries of their heroism, we pledge to continue to pay those dues. For that is the only way that we can honor those who founded this Republic, those who fought for its ideals, and those who fell in the war,” dagdag ni Marcos.

Dumalo rin sa okasyon sina Pangulo ng Senado Juan Miguel F. Zubiri, Ispiker Ferdinand Martin G. Romualdez, Kalihim Tagapagpaganap Lucas P. Bersamin, Tagapangulo ng Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas Emmanuel Franco Calairo, Puno ng Kalupunan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Hen. Romeo S. Brawner, at iba pang lehislador, opisyal ng sangay ng ehekutibo, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Eksaktong 125 taon na ang nakalilipas, inihalal si Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Republika, at itinakda ang kanyang termino na apat na taon.

Ang Unang Republika ng Pilipinas ay kumpleto sa mga katangian ng estado na may tatlong sangay ng pamahalaan, isang konstitusyon, at teritoryong napapasailalim ng gobyernong may hukbong sandatahan.

Bahagi ang milyahe sa Ika-125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Pagkabansa 2023-2026 na gumugunita sa mga pangyayari na naghatid sa Kalayaan ng Pilipinas at sa pagsulong ng bansa mula 1898 hanggang 1901. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …