Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Sa Quezon City
2 KATRABAHO SUSPEK SA PAGPUGOT SA SEKYU

MGA katrabaho ang pumugot sa sikyo ng Ford Balintawak–PNP

Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong ‘inside job’ sa nangyaring pamumugot ng ulo sa security guard ng Ford Balintawak noong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2023 sa Quezon City.

Itinuturong suspek sina Michael Caballero at Jomar Ragos, mga katrabaho ng biktimang si Alfredo Valderama Tabing, 50, ng 1277 Sevilla Ext., Brgy. 46, Zone 3, Tondo, Manila na natagpuang walang ulo sa kanyang puwesto sa nabanggit na car showroom.

Nalaman umano ng mga suspek na nakabenta ang kanilang pinagtatrabahuhan ng sasakyan kaya plinano ng mga ito ang pagnanakaw at tinangay ang isang vault na naglalaman ng P3.6 milyon

Posibleng nakilala umano ng biktima ang kanyang mga kasamahan kaya pinatahimik at pinugutan ito ng ulo bago tumakas. 

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang mga nasabing suspek.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang ulo ng sikyo. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …