Friday , November 22 2024

Dagdag-tulong sa magsasaka itinutulak ni Legarda

100313_FRONT

Sa gitna ng usapin sa mataas na presyo ng bigas, iginiit ngayon ni Senadora Loren Legarda ang pagpapalakas ng suporta sa mga magsasaka upang dagdagan ang pagkakataon ng mga itong mapalaki ang produksyon ng bigas.

Ayon sa napapaulat na “Memorandumfor the President” ni Secretary Arsenio Balicasan ng National Economic Development Authority (NEDA) na may petsang 10 September 2013, isinumbong nito kay pangulong Benigno Simeon Aquino III ang totoong kalagayan ng bigas sa bansa na nagsasabing mababa na ang suplay ng bigas at ito ay madaragdagan lamang kung muling aangkat ng 500 metric tons.

“Ito marahil ang dahilan kung bakit patuloy na pinapasan ng publiko ang mataas na presyo ng bigas kahit pa nga ipinapahayag ng mga opisyal sa agrikultura na ang buffer stocks nito ay sapat at ang inaasahang produksyon ay nasa target,” ayon kay Legarda. Nauna nang naghain ang mambabatas ng Resolusyon sa Senado na nagpapasiyasat sa nabanggit na usapin.

Ayon pa sa mga ulat, ang nasabing memorandun ni Balicasan sa pangulo ay dumitalye kung papaano nagkulang ang produksyon ng bigas sa nakalipas na tatlong buwan sa inaasahang ani na 7.4 milyong MT. Hindi diumano ito sapat sa pangangailangan ng bansa na dapat ay nasa 9.1 milyong MT. Nangangahulugan ito na kailangang punan ang kakulangang 1.7 milyong MT at maaari pang tumaas hanggang 2.6 milyong MT kung 30 araw ang magiging pangangailangan sa buffer stocks.

“Nakakabahala ito dahil hindi lamang ito usapin ng kasapatan. Naging problema na rin ito ngayon sa food security ng bansa,” babala ni Legarda. “Kung ang lokal na produksyon ay kulang sa pangangailangan, natural lamang na tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan. At nakikita naman nating ito na nga ang nangyayari ngayon. Ang masama pa rito ay maaaring dumami pa ang magugutom kung hindi ito agad na mapigilan.”

Hindi dapat NFA ang umaangkat

Sa kanyang memorandum sa pangulo, inirekomenda diumano ni Balicasan sa Punong Ehekutibo ang pag-angkat ng kalahating milyong MT ng bigas upang “tugunan ang napipintong kakulangan sa suplay at pigilan ang pagtaas pa ng presyo nito.”

Ayon sa mga dating rekomendasyon ng NEDA at ng rice self-sufficiency roadmap ng bansa – ang Food Staples Security Program (FSSP) – hindi nagbago ang paninindigan ng mga ito na ang importasyon ng bigas ay nasa pribadong sektor dapat at hindi ginagawa ng National Food Authority (NFA).

Si Balisacan, na dati nang nagsilbi bilang agriculture undersecretary, sa kanyang mga artikulo at pag-aaral na inilimbag noon ay nagmungkahing “tanggalin na sa NFA ang pasanin sa pangangasiwa ng mga importasyon ng bigas” dahil diumano sa katiwaliang madalas na bumabatbat sa mga transaksyong ito.

Nauna nang napabalitang ang importasyon ng bigas na isinagawa ng NFA noong Abril ay nabahiran ng anumalya dahil overpriced ito ng halos kalahating bilyong piso.

“Patuloy nating titingnan ang mga alegasyong ito. Ang sigurado ngayon ay ito: dapat nang buhusan ng pondo ng gobyerno ang mga proyektong magpapaunlad sa irigasyon at mga programang magpapalago sa produksyon sa mga kanayunan at dagdag na pagkakataon sa kabuhayan para sa ating mga magsasaka,” ayon kay Legarda, isang pangunahing personalidad sa bansa na nagsusulong sa sustaiunable development sa agrikulktura.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *