Monday , December 23 2024
Benjamin Acorda Jr Daniel Fernando Bulacan

PRO3 naglabas ng listahan ng mga paputok sa display zones sa buong Central Luzon
PNP CHIEF NAGSAGAWA NG OCULAR INSPECTION SA MGA TINDAHAN NG PAPUTOK SA BOCAUE

MULING nagbabala si PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., sa publiko laban sa paggamit ng mga ilegal  na paputok upang maiwasan ang mga pinsala o pagkamatay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kasunod nito ay inilalabas ang listahan ng 234 community firecracker zones sa buong rehiyon na pinaghiwa-hiwalay tulad ng sumusunod: Aurora – 15, Bataan – 3, Bulacan – 61, Nueva Ecija – 28, Pampanga – 24, Tarlac – 63, at Zambales – 40.

Ganoon din ang 113 fireworks display zones na pinaghiwa-hiwalay tulad ng sumusunod: Aurora – 2, Bataan – 4, Bulacan – 29, Nueva Ecija – 28, Pampanga – 11, Tarlac – 10, Zambales – 27, at Angeles City – 2.

“Muli kaming umaapela sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga ilegal na paputok upang maiwasan ang anumang pinsala. Sa halip na paputok, maaari nating salubungin ang Bagong Taon sa iba pang uri ng kasiyahan,” dagdag ni PBGeneral Hidalgo, Jr.

Samantala, si Philippine National Police Chief, PGeneral Benjamin C. Acorda, Jr., kasama sina PMGeneral Benjamin H. Silo, Jr, Dir. CSG; PBGeneral Joseph S. Hidalgo Jr., RD, PRO3; PColonel Relly Arnedo, PD Bulacan PPO; at Bulacan Governor Daniel R. Fernando  ay pinangunahan nitong Biyernes , 29 Disyembre, ang isang agarang pagbisita sa Barangay Turo, Bocaue Bulacan, par sa ocular inspection sa maraming tindahan at dealer ng paputok dalawang araw  bago ang pagdiriwang ng bisperas ng Bagong Taon.

Sa mataong lugar na kilala sa industriya ng paputok o Fireworks Capital of the Philippines, tiniyak ni PGeneral Acorda ang mahigpit na pagsunod sa mga permit at batas ng PNP na namamahala sa pagbebenta ng paputok, at binigyang diin ang pinakamahalagang tagubilin na uniwas sa mga pinsala o pagkamatay sa nalalapit na okasyon.

“Ang aming pokus ay sa kaligtasan,” anang PNP Chief sa panahon ng inspeksiyon, na may diin sa pagtutulungan at pagsisikap na ipatupad ang batas sa tulong ng publiko upang matiyak ang isang ligtas na pagdiriwang sa pagsalubong sa Bagong Taon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …