Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Mga notoryus na tulak sa Bulacan isinako, mahigit 212k nakumpiska

NAGSAGAWA ng mga serye ng operasyon ang Bulacan PNP na nagresulta sa matagumpay na pagkakumpiska ng mga iligal na droga  at pagkaaresto ng mga notoryus na tulak sa lalawigan.. 

Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, isang matagumpay na drug sting operation ng mga tauhan ng City of San Jose Del Monte Police Station ang ikinasa sa Libis, Zone 2, Brgy. Muzon, City of San Jose Del Monte, Bulacan na humantong sa pagkaaresto ng limang notoryus na tulak.. 

Nakumpiska sa operasyon ang dalawampu’t siyam (29) na sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 12 gramo ang bigat, may Standard Drug Price (SDP) na humigit-kumulang Php 81,600, kasama ang markadong pera. 

Kasunod nito ay inaresto ng grupo ng anti-illegal drug operatives sa pangunguna ng Provincial Drug Enforcement Unit/ Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) kasama ang Bocaue at Malolos City C/MPS ang isang 29-anyos na tulak ng droga mula Batia, Bocaue sa isang buy-bust operation sa Sumapang Matanda, Malolos City, dakong 1:30 ng madaling araw kahapon. 

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa Php 68,00 {SDP) at markadong pera.

Bukod dito, tinatayang kabuuang halaga ng humigit-kumulang Php 48,000 {SDP) ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkakasunod na drug buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng  Baliwag, Pandi, Pulilan, San Ildefonso, at Malolos C/MPS, na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong ( 8 ) pang nagbebenta ng droga.

Gayundin, dalawang (2) indibidwal din ang inaresto ng mga anti-drug operatives ng Plaridel MPS matapos ang drug buy-bust na nagresulta sa pagkakakumpiska ng apat (4) na sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php). 15,240 {SDP) at markadong pera.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 ang inihahanda laban sa mga suspek na isasampa  sa korte. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …