Saturday , November 23 2024
Piolo Pascual Mallari

Tatlong Piolo Pascual mapapanood sa Mallari, Bryan Dy ipinagmamalaki ang kanilang pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Piolo Pascual na mahirap ang role niya sa Mallari, dahil tatlong persona ang ginampanan niya rito.

Ayon sa A-list actor, kakaibang challenge ang naramdaman niya sa paggawa ng pelikulang ito na isa sa ten entries sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula ngayong December 25.

Pahayag ni Piolo, “It was hard because, three roles e. So, I just… parang as an actor, I guess that’s the challenge, not knowing what to expect. By just saying ‘yes’, I guess, for me I was up for the challenge and I just wanted to do something different.

“And when this came about, I guess it just all fell into place. And the production value, must be a consideration. You know, it was very ambitious, but they’ve lived up to the expectations and everything… so I was very happy about that.”

Bukod kay Piolo, tampok sa Mallari sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, JC Santos, Janella Salvador, at Elisse Joson. Nasa cast din sina Ron Angeles, Vangie Labalan, Bart Guingona, Raffy Tejada, Tommy Alejandrino, Angeli Sanoy, Angie Castrence, at Erlinda Villalobos.

Ang Mallari ay pinamahalaan ni Direk Derick Cabrido at mula sa panulat ni Enrico Santos.

Esplika niya, “It was really hard, but what made it easy was the vision of my director. Direk Derick knew what he wanted to do, he knew his vision. He had a vision, he knew his film, his story. Maganda iyong pagkakasulat ni Sir Enrico, napakalinaw, although it went into several drafts.

“And the biggest blessing for me was having an acting coach, Tita Angie Castrence. We were talking about the scene, every scene, before… kasi there were days, a lot of days that I was doing three characters all in one day.

“So, you have to be specific and you have to know the journey of each character, which was for me as an actor, nailatag siya nang maayos. I mean the story and every time I will read it, from start to finish, lalong lumilinaw iyong journey ng bawat characters.

“So for me, malinaw iyong pagkakaiba-iba ng tatlong characters. But it was really hard, and masaya lang because, ang laki ng production,” nakangiting sambit pa ni Piolo.

Ayon naman sa producer ng Mallari na si John Bryan Diamante, ipinagmamalaki niya ang kanilang pelikula.

Aniya, “Nasabi na ni Direk kung ano ang rason, kung bakit n’yo dapat unahin panoorin ang Mallari. But this is a celebration… of our culture, kaya tangkilikin natin ang pelikulang Filipino. Unahin n’yo ang Mallari,” masayang wika niya.

Esplika ni Bryan, “Mahal po ang bayad sa sinehan, so ibigay natin na worth it dapat. Wala na po tayong magagawa dahil inflation, e. So, let’s give them na worth it ‘yung kanilang pera.

Nabanggit pa niyang napaiyak siya nang napanood ang pelikula. “Umiyak talaga ako, I cried. Hindi dahil sa natakot ako, but because I saw a beautiful film.

“Lagi naman akong nagre-reality check, kasi kami ang gumawa, tama? So isa roon sa talagang point of joy mo, talagang nang nag-oo ang Warner. Kasi, hindi lang iyon galing sa iyo, hindi ba?

“Sinasabi nila na walang perpektong pelikula, pero I think Mallari is gonna made history, iyon ang pangarap namin. And after I saw the film, talagang umiyak ako, I’m overjoyed, na lahat ng hirap, lahat ng pagod, lahat ng debate, lahat ng mga hindi naniniwala sa iyo, parang iyon iyong fulfillment mo. And talagang tinapos ng Warner Bros nang ‘nag-oo’ na sila,” sambit ng Mentorque Productions President at CEO.  

First time gaganap sa ganitong genre si Piolo at ibang klaseng horror film ang Mallari. Makikita rito ang sakop na tatlong era ng pelikula at ang magaling na transformation ni Piolo sa tatlong katauhan na ginagampanan niya rito.

Ang Mallari ay inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula Pampanga. Dark ang pelikula at sinasabing pumatay si Father Mallari ng 57 katao noong 1816-1826. Nakulong ang sinasabing killer priest nang 14 taon, bago binitay noong 1840.

Ang Hollywood film studio na Warner Bros., ang magre-release ng Mallari. Last week inianunsiyo ang partnership nila sa Filipino film company na Mentorque Productions para sa inaabangang MMFF 2023 entry na Mallari.

Patunay ito na mahusay ang pagkakagawa ng pelikulang Mallari at may international appeal ito.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …