Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Zaplan

Janah Zaplan, labas na ang Christmas single titled Pasko’y Nagbabalik

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAGKAHALONG saya at excitement na ibinalita ni Janah Zaplan na labas na ngayon ang kanyang Christmas single titled Pasko’y Nagbabalik.

Post ng talented na singer/actress sa kanyang FB: “Pasko’y Nagbabalik is out now! This is a reminder how good this season is by reminiscing memories and creating new ones this Christmas.”

Nag-imbita rin si Janah na pakinggan ang kanyang bagong single.

Aniya, “Hello everybody, our song Pasko’y Nagbabalik is now available on all digital platforms and I can’t wait for you guys to hear it out. Kaya sana ay magustuhan n’yo po ito, Merry Christmas.”

Sa nauna naming panayam sa talented na recording artist, nabanggit na niya ang kaunting patikim sa kanyang latest single na under ABS-CBN Music (Star Pop).

 Wika ng magaling na recording artist, “I have my latest single that will be coming out soon, this is a Christmas song. So, I hope you guys will really love this one.

         “Sasabihin ko na ba kung sino ang composer niyon? It’s by the one and only Mr. Music, Mr. Jonathan Manalo. Ang title po ng song ay Pasko’y Magbabalik,”

Tungkol saan ang song?  “Naku, magsasabi lang po ako, once na na-release na iyong song,” bitin na saad ni Janah with matching ngiti.

Sa naturang panayam, inusisa rin namin ang magandang dalaga sa hindi niya malilimutang experience sa nakaraang Star Magic Ball.

May halong kilig na kuwento ni Janah, “Totoo po, first time ko ito and sobrang overwhelming! Alam n’yo po sobrang bilis lang ng preparations namin. In less than ten days we had to get my gown, I had to get ‘yung sa Glam Team ko po.

“Kaya I’m thankful din po to my family, kasi very supportive sila dahil kung wala sila, I don’t think I can pull off any damit ever, during that ball. Kaya I’m just so thankful. Of course, sa ABS CBN for making me a part of it.”

Dagdag na wika ni Janah, “Oo naman po, sobra (akong kinilig na naging part ng Star Magic Ball). Lahat kami ay kinilig nang nalaman kong kasama ako roon.

“Siyempre it’s not just about bringing ABS CBN to my name. Pero kasi ang maging part ka niyon ay isang karangalan, kasi pili lang po talaga ang nakaka-walk doon. Kaya I’m just so happy po, sobrang kilig!” Masayang sambit ni Janah.

Anyway, sumabak na rin si Janah sa fashion show last October 27, 2023 na pinamagatang Spring Glamour Fashion Show 2023: Cyrsos. Gaganapin ito sa The Circle Events Place sa Timog Avenue, Quezon City.

Patuloy pa rin si Janah sa pangarap niyang maging isang piloto, kaya pinagsasabay niya ang kanyang showbiz career at pag-aaral ng Bachelor of Science in Aviation, major in Flying,

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …