Friday , August 15 2025

Tumawid sa Commonwealth Ave.,
BABAE NASAGASAAN NG 3 KOTSE SA QC, HUMABOL SA UNDAS

110323 Hataw Frontpage

MASAKLAP ang sinapit na kamatayan ng isang babae na tatlong beses nasagasaan ng tatlong magkakasunod na kotse sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkoles ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Bernadeth Borromeo, nasa hustong gulang, residente sa Samapa Compound, Barangay Fairview, Quezon City.

Nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 ang dalawa sa tatlong nakasagasa na sina Kima Engan Bandeleon, residente sa B408 L21 Kelpler St., P4 Heritage Homes, Loma De Gato, Marilao, Bulacan, driver ng Toyota Avanza, may plakang NIL 3193; at Joseph Lacsa Gallon, taga-Lower Lotus Modesta Villa, San Mateo, Rizal, driver ng Toyota Vios Sedan, may plakang NHC 1163.

Nakatakas ang driver ng isa pang sasakyang nakasagasa, may plakang NAD 3067.

Batay sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Henry C. Tingle ng QCPD Traffic Sector 5, bandang 7:15 pm nitong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Commonwealth Ave., at Namasape HOA sa Barangay North Fairview.

Papatawid umano ang biktima kasama ang kaibigang si Cherry Paiste nang unang mabangga ni Bandeleon at sinundan ng driver ng sasakyan na may plakang NAD 3067.

Nang magulungan sa ulo ang biktima, agad na tumakas ang driver nito.

Habang duguang nakabulagta ang biktima, nasagasaan siya ni Gallon na agad namang sumuko sa mga pulis.

Ayon sa mga awtoridad, mabibilis ang mga sasakyan sa Commonwealth Avenue at ipinagbabawal ang pagtawid doon.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang mga nasabing driver, habang tinutugis ang isa pang suspek na nakatakas. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …