Saturday , May 10 2025
John Rendez John Rendezvouz

Concert ni John Rendez sa Music Box, sinuportahan ng Noranians 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FULL-SUPPORT ang Noranians sa ginanap na benefit concert ni John Rendez sa Music Box about two weeks ago, titled John Rendezvouz.

Pinamahalaan ni Direk Rommel Ramilo, prodyus ito ng National Artist na si Ms. Nora Aunor para sa kanyang foundation na Nora Cares.

First time naming napanood si John nang live at nag-enjoy kami that night. Cool and magaling siyang mag-perform nang live. Jampacked din ang venue.

Ang mga guest niyang Jeremiah at si Beverly Salviejo ay equally gaya niyang mahuhusay din at dalang-dala nila ang audience sa kanilang performance.

Sa finale ay nagkaroon ng spot number si John with Jeremiah and Beverly, to the delight ng mga lively audience.

Sayang nga lang at hindi nakapunta rito si Ms. Nora Aunor dahil nagkasakit ang nag-iisang Superstar.

Anyway, congrats kay John at dapat siyang sumabak pa sa mas maraming ganitong mga live performance na kasing astig nitong ginawa niya sa Music Box.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Lani Misalucha

Lani balik-concert stage para sa isang timeless music at artistic excellence

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAITUTURING na grand comeback ang pagbabalik sa concert scene ng Asia’s …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …