Friday , November 22 2024

Grand welcome inihahanda kay 2013 Miss World Megan Young

IKINAKASA na ang grand welcome para kay 2013 Miss World Megan Young.

Sinabi ni Miss World Philippines National Director Cory Quirino, isang grand homecoming ang mangyayari sa susunod na linggo para sa actress-breauty queen.

Walong araw pa aniya bago makabalik sa Filipinas si Young.

Paliwanag ni Quirino, kagabi ay agad lumipad ng London ang 23-year old beauty queen dahil kailangan niyang dumalo sa isang malaking charity gala.

Bukod dito, naghihintay na rin ang British at international press kay Megan sa London.

Tiniyak aniya ng Miss World Organization na pagkatapos ng event sa London, bibigyan ng sapat na oras si Young para makasama ang mga kababayan.

Ayon kay Quirino, may sapat na oras pa para mapaghandaan ang engrandeng pagsalubong kay Megan na umano’y magiging isang malaking fiesta sa Filipinas.

Ang Fil-Am na si Young ang kauna-unahang Filipina na nakapagbigay ng Miss World title sa bansa sa 63 taon ng pageant.

Una rito, sinabi ni Young na sabik na siyang gampanan agad ang kanyang Miss World duties.

Sinabi ni Young na gusto niyang makapag-ikot agad sa mga bansa para isulong ang adbokasiya ng pageant.

Bagama’t hindi pa raw niya alam kung ano ang unang bansang kanyang pupuntahan.

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *