Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mallari PioloPascual Gloria Diaz

Mallari movie ni Piolo Pascual, teaser pa lang nakakatakot at nakakakilabot na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IBANG klaseng horror film ang Mallari. Bukod sa first time pa lang gaganap sa ganitong genre ang bida ritong si Piolo Pascual, teaser pa lang nito ay kakalabog ang dibdib at tatayo ang balahibo ng mga manonood.

Ang pelikula ay inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula Pampanga. Dark ang pelikula at kaabang-abang ito sa mga sinehan. Parang Hollywood film ito, kaya hindi dapat palagpasin kapag ipinalabas na.

Isinumite ito sa darating na MMFF 2023 at wish namin na makapasok ito para mas maraming magagandang choices ang moviegoers at maging star-studded ang mga entry sa inaabangang annual December filmfest.

Kahit patikim o teasar pa lang, nakabibilib ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Derick Cabrido, na mula sa panulat ni Enrico Santos. Bigatin ang casts ng Mallari, kasama ni Piolo sa pelikula sina Ms. Gloria Diaz, JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson, with the special participation ni Mylene Dizon.

Kitang-kita rin dito ang sakop na tatlong era ng pelikula at ang magaling na transformation ni Piolo sa tatlong katauhan na ginagampanan niya rito.

Bukod sa magagaling na acting ng casts nito, impressive ang technical side ng pelikula, like ang cinematography at production design. Pati musical scoring, patok din. Nakatulong talaga ito para ma-achieve ang isang nakatatakot at nakakikilabot na pelikula!

Kaya naman pala ang producer nito at top honcho ng Mentorque Productions na si Bryan Dy ay ginastusan talaga ang pelikula at ipinagmamalaki ito nang todo dahil astig, petmalu, at winner talaga ito.

Natatawang wika ni Sir Bryan, “So, tama lang na hindi kami tumawad kay Piolo.” Pagpapatuloy pa niya, “Kasi, iyong talagang ni-require namin sa kanya for this film, ako mismo ang nahiya. Kasi, noong binabasa ko pa lang iyong script, sa mga ipapagawa namin sa kanya, alam namin na it’s something that he has never done.

“But the good thing with this film, parang napakaganda ng timing. Kasi noong tumapak si Piolo sa set, fresh siya, e, I mean, from the vacation. Tapos kagagaling niya lang sa play… And very particular siya sa acting niya, sa lahat ng ano… so iyon naman ay kitang-kita talaga namin na ibinigay niya ang lahat dito,” sambit pa ni Sir Bryan.

Idinagdag niyang first time gumamit ng ganitong camera sa isang pelikula sa bansa, na pang-Hollywood talaga. Kaya tunay na pinaganda, ginastusan pinaghandaan, at pinaghirapan nang todo ang paggawa ng pelikulang Mallari.

Kaya excited na kaming mapanood ang Mallari sa mga sinehan, walang dudang panalo ang pelikula at umaasa kaming magiging entry ito sa darating na MMFF 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …