Sunday , December 22 2024
Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na 7 pababa hanggang 40 pataas sa isinagawang Second Singkaban Football Festival na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Bagong Bayan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), mga tagapag-organisa ng aktibidad, na itaguyod ang isport na ito at ituring ang football bilang isport para sa lahat.

Sa 39 na koponan na nagtagisan sa siyam na kategorya, nakamit ng Culiat Foot Club ang kampeonato para sa kategoryang U7; Pinoy Wolves para sa kategoryang U9; Pilamn Football Club para sa mga kategoryang U11 at U13; Pinoy Wolves para sa mga kategoryang U15 at U18; St. Agatha Kickers sa kategoryang 40 and Above; Metro Agila para sa Women’s FC at Liceria A para sa Men’ Open.

Lahat ng mga nanao kabilang ang una hanggang ikatlong karangalang banggit ay tumanggap ng mga gintong medalya bawat isa at tropeo bawat koponan at nagkaloob rin ng mga special award kabilang na ang MVP award, Golden Booth, Best Midfielder, Best Defender, Best Goalkeeper, at Fair Play bawat kategorya.

Bilang pangalawang beses nang lumahok sa football festival, ipinaabot ni Morena E. Mallorca, 22, mula sa koponan ng Pinoy Wolves FC, ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pagpapatuloy ng Football Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival.

“Sumali po ako dito sa Second Singkaban Football Festival para maipamalas po ‘yung skills namin, para po mas ma-enhance ‘yung skills naming mga manlalaro ng football sa lalawigan. Kaya po maraming salamat kay Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro sa pagkakaroon ng ganitong aktibidad, nagkakaroon pa po ng pagkakataon ang mga player na maipamalas ‘yung husay nila,” ani Mallorca.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Abgd. Jayric V. Amil, OIC ng PYSPESO, na patuloy na nagsusumikap ang Bulacan sa larangan ng isports hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo at magpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagkakaloob ng oportunidad sa mga Bulakenyong manlalaro.

“Layunin nitong patuloy na magbigay daan para sa ating mga kalalawigan na mahasa at malinang ang kanilang mga kakayahan at disiplina sa iba’t ibang larangan ng palakasan na naaangkop sa layunin ng nasabing selebrasyon na ipinagdiriwang ang kultura, pagmamahal sa lalawigan at talento ng mga Bulakenyo,” ani Abgd. Amil. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …