Thursday , November 21 2024

Megan Young itinanghal na first Pinay Miss World

MAKARAAN ang 63 taon, naiuwi na rin ng Filipinas ang inaasam na Miss World title matapos makoronahan kamakalawa ng gabi ang 23-year old Filipina beauty na si Megan Young.

Ito ang kauna-unahang titulo ng Filipinas para sa prestihiyosong beauty competition bukod sa dalawang Miss Universe title, apat na Miss International, Miss Earth at Miss Supranational.

Sa kanyang pagtanggap ng korona ay todo pasalamat si Megan sa kanyang mga kababayan sa salitang Filipino.

“Salamat sa mga kababayan ko. Mahal na mahal ko kayo.”

Nangako rin si Young na gagampanan niya nang mabuti ang kanyang titulo.

“I promise to be the best Miss World ever,” ayon sa Pinay beauty.

Una rito, hindi na pinagtakhan ang pagpasok ni Young sa top 10 at top 5 dahil sa fearless forecasts ay nangunguna na rin ang pangalan ng Pinay beauty.

Hinangaan din ang sagot ni Megan sa Q and A suot ang damit na kulay pink na Francis Libiran gown.

“Why should you be Miss World?”

“Miss Philippines: I treasure a core value of humanity and that guides people why they act the way they do. I will use this to show other people how they can understand each other … as one, we can help society.”

Ang beauty queen mula sa France na si Marine Lorphelin ang pangalawa, ang taga-Ghana na si Carranzar Shooter ay pangatlo, ang kandidata mula sa Spain na si Elena Ibarbia ang pang-apat, pang-lima ang Miss Brazil na si Sancler Frantz at ang taga-Gibraltar na si Jessica Baldachino(People’s Choice).

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *