Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janna Dee

Janna Dee, tampok sa pelikulang Ang Babaeng Ayaw Mamamatay 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA isang matagumpay na press conference, ipinakilala ang  pinakaaabangang pelikulang Ang Babaeng Ayaw Mamamatay.

Ito ay itatampok sa ilalim ng Inding Indie Production at Janna Dee Production.

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito, na pinangungunahan ni Janna Dee ay tumulong sa mga taong may kapansanan at mga nasa kahirapan. Nais din niyang maging kilala bilang Philippine Action Queen sa independent film.

Bukod kay Janna, ang mga makakasama sa naturang pelikula ay sina Diego Salvador, Pikwa, BPM, James, Shirly, Jhastine Rhoque, Renzie, Ivan Co, Ivana Gatia, at marami pang iba, Bagamat hindi pa ganap na kompleto ang script, kaabang-abang ito dahil si Ron Sapinoso, isang kilalang manunulat at direktor, ang siyang sumusulat ng kuwento.

Si Direk Ryan Manuel Favis ay ang executive producer at direktor ng pelikula, na magbibigay-buhay sa konsepto ng proyekto.

Ang pelikula ay maglalaman ng aksiyon, tensiyon, at emosyon na nagmumula sa masusing pagsusuri ng kuwento. Sa likod ng kamera, inaasahan ni Direk Ron na higit pang mapaiigting ang mga aksiyon ng mga artista sa harap ng mga tagpo.

Sa darating na Oktubre, magsisimula ang shooting ng tatlong oras na haba na pelikula sa iba’t ibang kagila-gilalas na lokasyon sa Filipinas. Pinaplano rin ipalabas ang pelikula hindi lamang sa mga sinehan kundi pati sa mga paaralan.

Ang “Ang Babaeng Ayaw Mamamatay” sa gitna ng mga matinding aksiyon at makabagong konsepto, ay magiging inspirasyon at tugon sa pangangailangan ng mga manonood na hinahanap ang kakaibang uri ng pelikula.

Si Janna ay hindi na bago sa showbiz at nakapag-produce na rin ng pelikula with Jeric Raval na may pamagat na “Amasona.”

Nabanggit din ni Janna na siya ay may training sa martial arts at sa paghawak ng baril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …