Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Aljur Abrenica

AJ Raval at Aljur Abrenica, hahamakin ang lahat para sa kanilang pagmamahalan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang real life couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa bago nilang sexy action-drama mula sa Vivamax Original Movie. Isang kuwento na gagawin at hahamakin ang lahat para sa pag-ibig, abangan ang Sugapa, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong August 25, 2023.

         Ukol ito sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng maginhawang buhay at pupunta sa siyudad para sa mas maraming oportunidad, pero ang magiging kapalit pala ng pagtupad ng mga pangarap na ‘yon ay ang isakripisyo ang kanilang relasyon.

Labis ang pagmamahal nina Ben (Aljur ) at Anna (AJ) para sa isa’t isa at marami rin silang pangarap na ipinangako nilang tutuparin nang magkasama. Dito nila maiisipang lumipat sa siyudad para roon makipagsapalaran, dahil dito sila ay mas maraming trabaho, mas may magandang mapagkakakitaan, at mas may magandang kinabukasan.

Pero kabaligtaran sa kanilang inaasahan ang mangyayari, mas marami pa pala silang haharapin na problema at pagsubok na ilalagay sa alanganin ang relasyon nila, pati na ang kanilang mga buhay.

Sa lahat ng pagdaraanan nila tungkol sa pera, sa tawag ng laman, pagtataksil, adiksiyon, at pagkauhaw sa kapangyarihan, maging matagumpay pa rin kaya sila sa huli? Malampasan kaya ito nina Ben at Anna? O parehas silang bibigay at susukuan ang kanilang pagmamahalan?

Ang Sugapa ay mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo na kilala sa paggawa ng mga fast-paced at maaksiyong pelikula gaya ng A Hard Day at Reroute. Asahan na ang Sugapa ay mapupuno rin ng intense emotion, excitement, at mga makapigil-hiningang eksena.

Tampok dito sina Aljur at AJ, makakasama rin nila sa pelikula si Art Acuña, na gaganap bilang Sarge Teodoro na may malaking papel sa pagpapahirap sa mga bida. Mapapanood rin sa pelikula sina Lander Vera Perez, Lou Veloso at introducing, Dyessa Garcia.

Abangan ang Sugapa, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong August 25, 2023.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …