Monday , December 23 2024
bagyo

Bulacan handa kay Typhoon “Egay”

Iniutos ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang suspensiyon sa lahat ng level ng klase sa mga paaralan at trabaho sa pampubliko at pribadong tanggapan sa lalawigan kahapon, Hulyo 24, dahil sa inaasahang malalakas na buhos ng ulan na dulot ng bagyong “Egay” at sa iniambang tatlong araw na tigil-pasada ng grupo ng mga jeepney drivers at operators.

Inilabas ni Fernando ang Memorandum DRF No.07232023-352na may petsang Hulyo 23, 2023, na nag-uutos sa lahat ng alkalde sa mga lungsod at munisipalidad, gayundin ang mga pampubliko at pribadong tanggapan na  pahintulutang magsagawa ng mga hakbang sa pag-iingat at tiyakin ang kaligtasan ng mamamayan.

Subalit ang mga ahensiya o mga tanggapan na nagbibigay ng basic health services, disaster preparedness, calamity response, at ibang pangunahing tungkulin ay mananatiling operasyonal.

Nanawagan din ni Fernando, na siya ring chairman ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, para sa koordinasyon ng mga local government unit sa lalawigan, kabilang ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Philippine Army, rescue teams at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa ulat ng Pagasa, kahapon, alas-11:00 ng umaga, Hulyo 24,  ang Bulacan ay nasa Typhoon Cyclone Wind Signal (TCWS) #1, kabilang ang Metro Manila.

Hindi naman gaanong naramdaman sa Bulacan ang ipinanawagang 3-day Tigil Pasada ng Manibela laban sa PUV modernization program. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …