Saturday , November 16 2024
Jobert Sucaldito Chaps Manansala

Tandem nina Jobert at Chaps Manansala, tampok sa OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon)

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang tandem nina Jobert Sucaldito at direk Chaps Manansala sa online show na OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon), na mapapanood sa kanilang YouTube channel.

Kilala si Jobert bilang mataray, ngunit mapanuring showbiz talk show host. Si direk Chaps naman ang top honcho ng Hiraya Theater Production, na isa rin stage direktor, actor, writer, at iba pa.

Although hindi pa namin nasisilip ang tambalang Jobert at Direk Chaps sa kanilang show na OOTD, sa ginanap na presscon ng dalawa sa The New Music Box sa Timog  Ave., Quezon City, nakita namin mismo at narinig sa kanila kung paano ang ginagawa nila para hindi lang mas maging interesting ang show nila, kundi para makapaghatid ng magandang programa at malayang talakayan para sa kanilang mga suking tagapanood.

Napapanood na ito ngayon sa YouTube under Jobert Sucaldito at Chaps Manansala channel. Matagal na dapat itong nasimulan ayon kay Direk Chaps, ngunit dahil sa pandemic ay hindi ito natuloy. Nang nagkrus ang landas nina Jobert at Direk Chaps, nabuo na nga ang show.

“On-going na ito, mga three months ago, noong una ang plano namin ay once a week lang muna. Basta ang content namin ay showbiz, politics at blind items,” pahayag ni Jobert.

Sambit ni Direk Chaps, “Ang OOTD basically, noong iniisip ko siya, gusto ko may balitaan, pero sana may (aral na) mapupulot, na kailangan ay may matutuhan ang manonood. Halimbawa may isang issue sa isang artista, kailangan ay may matututuhan ka, na mare-remind ang sarili mo na, ‘Oo nga, may natutuhan ako sa bagay na iyon’.”

Okay naman daw ang feedback ayon kay Jobert, “Maganda naman ang feedback in fairness. Kasi ang mga taong nagko-comment-most of them ha, may mga tao rin kasing ayaw sa akin, pero wala akong pakialam sa kanila! Hindi ba? Ganoon lang iyon e. Basta ako I want to deliver lang my piece. Kilala n’yo naman ako, kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga.”

Pagpapatuloy ni Jobert, “I’m very-very happy with the partnership with direk Chaps, because napakatalino niya at marunong siyang magbalanse sa akin. Parang naalala ko rati kami ni Papa Ahwel Paz sa DZMM. Pinababayaan lang nila ako, tapos babalanse rin sila.”

Esplika naman ni Direk Chaps, “Bago po kami nag-umpisa, sinabi ko kay Nanay, ‘Nanay, maaaring may mga opinyon ka na hindi pasok sa akin, pero let me just talk about it, para pangbalanse lang.’ May mga bagay naman na maaaring pareho kami ng opinyon pero gusto kong marinig  lang ng iba, ‘yung kung ano ‘yung naririnig sa iba.

“Kasi ay mahilig akong makipagkuwentohan, bilang writer po, mahilig akong makipagkuwentohan sa tao. At kapag ang tao narinig niya iyong kung ano ang sinabi niya, parang nakare-relate siya agad at nagugustuhan ka na nila at maniniwala na siya sa iyo.”

Sa naturang presscon, nabanggit din ni Direk Chaps ang mga kaabang-abang na plays ng kanilang Hiraya theater group na hindi dapat palagpasin.

 -30-

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …