Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine Cruz, gaganap sa challenging role bilang prosti sa Lola Magdalena

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

GAGANAP sa isang challenging na role si Sunshine Cruz bilang prosti sa pelikulang Lola Magdalena. Written by Dennis Evangelista at sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan, ito’y pinangungunahan ni Gloria Diaz.

Sa pelikula, ang papel ni Gloria ay isang 70-anyos na si Dalena “Lola” Magdalena. Na kung araw ay albularyo at manghuhula sa harap ng simbahan. Kung gabi aman, siya ay isang prosti.

Mga kapwa ageing prosti rin sa pelikula sina Perla Bautista, Liza Lorena, at Pia Moran.

Ayon kay Sunshine, “It’s the first time that I’m doing something like this, mapateleserye man o pelikula. So, of course challenging at siyempre ay may kaba. Kasi I’ve heard lots of good things about Direk Joel, pero I’ve heard also na mahigpit… estrikto.

“So, kinakabahan ako, but sabi ko nga, I’ll give my best para sa character ko rito. In every work naman na ibinibigay sa akin, ibinibigay ko ang aking one hundred and one percent.”

Esplika ng veteran actress, “I’m playing the role of Miriam, ako ‘yung pinakabatang lola, ako ‘yung pinakapaborito ni Lola Magdalena. Breadwinner ng family na eventually ay magkakasakit nang matindi, magkakaroon ako ng cancer sa movie…”

Ano ang preparation niya para mas maging convincing, dahil hindi pa naman siya lola talaga?

Wika ng magandang aktres, “Unang-una, of course, how to be convincing? With the help of our director, Joel Lamangan. I’m sure naman na maaalalayan ako, and study the script lang, pag-aaralan ko.

“And sa lahat naman ng ginagampanan kong role, of course ginagawa ko naman lahat. Unang-una it is a privilege and honor for me to be working with everyone, para mapili ako for the character,” sambit niya.

Parte rin ng cast sina Angel Guardian, Carlo San Juan, Jim Pebanco, Marcus Madrigal, Harlene Bautista, Dorothy Gilmore, at Joonee Gamboa.

Ang Lola Magadalena ay mula sa Hiro Hito Film Productions na ang executive producer ay si Ms. Amy Zuniga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …