Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Fontanilla Dina Bonnevie

Ejay Fontanilla, sobrang happy sa pag-guest sa Abot Kamay Na Pangarap

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAG-ENJOY nang todo ang Viva artist na si Ejay Fontanilla sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makapag-guest sa top rating TV series na Abot Kamay Na Pangarap.

Tampok sa serye sina Jillian Ward, Carmina Villaroel, Pinky Amador, Dina Bonnevie, Richard Yap, Allen Dizon, at marami pang iba.

Mula sa pamamahala ni Direk LA Madridejos (main unit), napapanood ito tuwing hapon dakong 2:30 pm.

Sambit ni Ejay, “Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang role, kasi ang taas ng ratings. Kaya sinabi ko sa handler ko na raraket muna ako sa GMA-7 since bukod sa ang ganda ng role, ‘yung ratings nga po nito, ang tindi, e.”

Aniya, “I played as Arman De Vera here, online publisher na magiging kakampi ni Giselle (Dina B.)

“Kaeksena ko si Ms. Dina Bonnevie lang naman, hehehe. First time ko siya maka-work… at first, kinakabahan ako kasi makaeeksena ko siya. Pero since ally niya ako sa serye, hindi na ako kinabahan, nag-enjoy lang ako na kaeksena siya and ang sobrang bait niya.

“Si Tita Pinky, sobrang excited ako maka-work siya ulit kasi naka-work ko na siya year 2017. And now after 6 years, naka-work ko siya sa highest rating na AKNP.”

Pagpapatuloy ni Ejay, “Sobrang nag-enjoy ako sa guesting ko kasi mabait sila and pinagkatiwalaan ako ni Nanay Marilou na kaya ko ang role. Also si Kuya Mark na staff dati ni Direk Maryo J. (dati kong manager) na nag-refer sa akin kay Nanay Marilou. And they trusted me sa role.

“Kaya noong tinawagan ako, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin. Go agad! Kahit ‘di ko pa nakikita yung script. Hahaha! And noong nasa set na, binigyan lang ako ng backstory ni Direk Apreal Vicencio, kaya may idea ako since hindi ako nakasubaybay sa story dahil sa pagiging busy ko.”

-30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …