ISANG lalaking claimant ang dinakip ng mga awtoridad sa 458 gramo ng imported shabu na halagang Php 3,114,400.00 matapos ang isinagawang controlled delivery operation sa Gen. Lucban St., Barangay Bangcal, Makati City.
Ayon sa mga awtoridad, ang parcel ay ipinadala sa isang nagngangalang Adrian Lagar, na ang tunay na pangalan ay Adrian Lagarde, 31, na residente ng Brgy Lucban, Makati City.
Sa naging pahayag ng team leader ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na ang parcel ay naglalaman ng illegal substances na galing mula sa Philadelphia, United States.
Napag-alamang ang shipment ay dumating sa Port of Clark nitong Hulyo 3, 2023 at ang parcel ay idineklarang .bread toaster at naka-consigned kay Lagarte.
Nakumpiska kay Lagarte ang 458 gramo ng crystal meth (shabu) na tinatayang ang street value ay nasa Php 3,114,400.O0.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na elemento ng PDEA Pampanga Provincial Office, PDEA RO III Airport Interdiction Unit, Bureau of Customs (BOC) Port of Clark, PDEA NCR at lokal na kapulisan.
Paglabag sa Section 4 ( importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang nakatakdang isampa laban sa arestadong claimant. (MICKA BAUTISTA)