Monday , December 23 2024
Bulacan

 Seguridad sa pagkain isinusulong sa Bulacan

Isinusulong ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office ang tuluy-tuloy na pagpapaunlad sa produksyon ng agrikultura sa probinsiya upang makamit ang masaganang ani at sapat na pagkain para sa malusog na buhay at kinabukasan ng mga Bulakenyo.

Sa Ceremonial Transplanting para sa Provincial Techno-Demo on High Value Crops at Inauguration of Drying, Rice Milling Facilities and Integrated National Swine Production Initiatives  for  Recovery and Expansion  (INSPIRE)  Project na ginanap sa mga Barangay ng Gabihan at Pala-Pala sa Bayan ng San Ildefonso kamakailan, sinabi ng People’s Governor sa kanyang mensahe na inihatid ng kanyang kinatawan na si Jocelle Sagrado, na pangarap niya para sa lalawigan na maging self-sufficient sa larangan ng produksyon ng pagkain at matulungan ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng lokal na pagsusuplay ng pagkain.

“Isa nga po sa pangarap ng inyong lingkod para sa ating lalawigan ay maging self-sufficient tayo sa pag-produce ng pagkain at makatulong sa ating lokal na ekonomiya pagdating sa pag-su-supply ng pagkain sa buong bansa. Kaya naman, lalo nating pinapaigting, pinapaunlad, at binibigyang pansin ang bawat programang pang-agrikultura na kung saan, higit na makikinabang ang magsasakang Bulakenyo at ang ating mga kababayan,” aniya.

Dumalo sa nasabing ceremonial transplanting ang mga may-ari at  kinatawan ng walong seed companies na lumahok kabilang  ang Allied Botanical Corporation, Advanta Seeds Philippines, SeedWorks Philippines, Inc., Enza Zaden Philippines, Ramgo International, Pilipinas Kaneko Seeds Corporation, East West Seed Company Philippines and FA Greenseeds Corporation, gayundin si Pangalawang Pangulo Julius Barcelona at  Executive Director Dr. Gabby Romero ng Philippine Seed Industry Association (PSIA), at Executive Director III Nestor Domenden ng  Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF).

Pinasalamatan ni Fernando ang mga katuwang na ahensya at ang walong seed companies na lumahok sa nasabing techno-demo on High Value Crops na tutulong sa mga magsasakang Bulakenyo na madagdagan ang kahusayan, produksyon at sustenableng pananim.

Sinabi ni Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo na ang mga napiling techno-demo land area ay higit dalawang ektarya kung saan ang walong vegetable seed companies ay mayroong tig-2,500 sqm na tataniman ng mga buto ng lowland vegetables na kanilang iniaalok.

Sa darating na Setyembre 2023, itatampok ng Harvest Festival ang ‘best performing lowland vegetable varieties’ at ang naaangkop na teknolohiyang ginamit upang palawigin ang kontribusyon sa agrikultura sa Bulacan.

Samantala, tumanggap naman ang United San Ildefonso Farm Families Vegetables and Grains Marketing Cooperative sa Brgy. Pala-Pala ng Post-Harvest Facility mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH) sa ilalim ng  RCEF Mechanization Program na may kasamang dalawang yunit ng mechanical driers at isang  yunit ng rice milling machine na may kabuuang halaga na P10 milyon, gayundin ang  INSPIRE Project  na ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office III bilang livestock program nito na naglalayong pabilisin ang pagbawi ng mga nasa sektor ng pagbababuyan sa ASF.

Ang Provincial Techno Demo on High Value Crops ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso sa pangunguna ni Punong Bayan Fernando S. Galvez, Jr., Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) at Philippine Seed Industry Association (PSIA).(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …