Saturday , November 23 2024
Ai Ai delas Alas Louie Ignacio Litrato

Pelikulang Litrato ‘di gagawin ni Direk Louie kundi si Ai Ai ang bida

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang pelikulang Litrato, na isang passion project ni Direk Louie Ignacio, ito ang pelikulang Litrato na pagbibidahan ni Ai Ai delas Alas.

Ang pelikula ay kuwento ng isang lola na may Alzheimer’s disease na ginagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai. Sa unang pagkakataon, si Ai Ai ay gaganap sa ganitong role.

Makikita sa pelikula ang isang matandang babae na nasa care facility na madalas nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna (Ai Ai) nang dumating ang isang estriktong caretaker.

Ang talented na actress/writer na si Quinn Carrillo ang gumaganap sa papel na estriktong caretaker sa pelikulang ito ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

Ang Litrato ay pinamahalaan ng award-winning director na si Louie Ignacio, at sa panulat ni Direk Ralston Jover. Tampok din dito sina Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, at iba pa.

Ang tandem nina Direk Louie at Ai-Ai ay laging nananalo ng awards sa iba’t ibang filmfests. Patunay nito ang pagiging critically acclaimed ng dalawa nilang pelikula, ang Area at School Service na ang huli ay nanalong Best Actress si Ai Ai sa Cinemalaya.

Nabanggit ni Direk Louie ang kaunting patikim hinggil sa latest movie nila ni Ai Ai.

Aniya, “Ang Litrato ay isang drama na pelikula na noong inisip ko ito, itong konsepto na ito, walang iba akong inisip kundi si Ai Ai ang gumanap bilang Lola Edna.”

Idiniin din ni Direk Louie na kung hindi si Ai Ai ang magbibida rito ay hindi niya gagawin ang pelikula.

Esplika niya, “Sabi ko nga, nag-usap kami ni Nay Len (Carrillo), na kapag iba po ang gaganap, huwag na nating ituloy ang pelikula. Kaya, kay Ai Ai po talaga ito.

“Marami po kayong aabangan sa pelikula at grabe ang twist na mangyayari rito,” sambit pa ng Kapuso direktor.

Showing na ang Litrato sa July 26, 2023 in cinemas, nationwide. Kaya parang masasabi rin at mafi-feel ng manonood nito na animo Mother’s Day offering ito, sa buwan ng July.

About Nonie Nicasio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …