Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Audrey Avila

Vivamax hottie na si Audrey Avila, pinagsabay ang landi at pag-aaral

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PALABAN sa sexy interview at pagpapa-sexy ang talent ni Jojo Veloso na si Audrey Avila.

After niyang magsabog ng alindog sa Vivamax Erotic Reality series na PantaXa, mapapanood si Audrey sa High On Sex 2 ni Direk GB Sampedro.

Ang High (School) on Sex 2 ay isang hit Vivamax Original Series created by direk GB. Bibida rito ang mga up-and-coming at nakaaakit na Pantasya ng Vivamax, sina Clifford Pusing, Angelica Hart, Apple Dy, Aiko Garcia, Audrey, at Cess Garcia.

Makakasama rin nila sa serye sina Van Allen Ong, Jamilla Obispo, Francine Garcia, Jason Evans, Rolando Inocencio, Gene Padilla, Giselle Sanchez, Matt Francisco, Armani Hector, Aila Cruz, at Armina Alegre.

Gumaganap si Audrey dito bilang si Erica, ang presidente ng fan group ni Paco, obsessed sa binata at gagawin ang kahit na ano para sa kanya.

Si Paco (Clifford), ang hopeless romantic crooner, maraming babae ang nababaliw at nahuhumaling sa kanya dahil sa kaguwapohan at mysterious attitude nito. Isa rin siyang sikat na online personality.

Gaano siya ka-daring at ka-sexy sa HOS 2?

Wika ni Audrey, “Actually nakatutuwa nga po, kasi nag-focus po sila sa acting ko rito. Kaunti lang po ‘yung ipinakitang sexy scenes ko rito, pero all out ‘yung eksena at talagang ‘di nakabibitin. Pero masasabi kong all out din ‘yung acting ko rito.”

Ano ang most memorable naughty experience niya noong high school siya? Esplika ng sexy actress, “May crush akong senior, noong junior high pa lang ako. Then nag-hook up kami, tapos ‘di napigilan ‘yung bugso ng damdamin, LOL! kaya nag-kiss kami sa stair ng third floor.

“And eto ‘yung pinakamalala, hindi namin pinasukan ‘yung isang subject para lang mag-bebe time, then rekta cutting na, hahaha!”

Nakangiting pahabol pa ni Audrey, “Pero in fairness, napagsasabay ko ang landi and aral. Before kasi, lagi rin akong high honor student, bukod sa high on sex! Hahaha!”

Panibagong wild experience at kakaibang high school life ang naghihintay sa inyo.  Abangan ang High (School) on Sex 2, streaming exclusively sa Vivamax ngayong July 2, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …