Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yana Fuentes Joel Lamangan

Yana Fuentes, thankful kahit pinagalitan at sinigawan ni Direk Joel Lamangan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK ang AQ Prime artist na si Yana Fuentes sa pelikulang Peyri Teyl mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Si Yana ay isang Pinay-Japanese na nagtapos ng kursong International Business Law sa Tokyo. Siya ay isang model at beauty queen sa Japan at naging Miss Universe Japan – 2nd runner up.

Ayon sa beauty queen-turned actress, sa lahat ng nagawa niyang project ay pinaka-challenging ang Peyri Teyl.

Aniya, “Ang  Peyri Teyl po talaga, kasi dati ko pa po dream na maging parang prinsesa sa isang fairy tale and siyempre po, ‘yung director ay ang award winning na si direk Joel Lamangan.

“Kakaibang sarili ko po ang makikita n’yo rito and all effort inilabas ko po talaga para maging maganda ang acting ko sa movie. Sobrang thankful din po ako kay direk Joel, kasi ang dami niyang itinuro sa akin.”

Sino ang co-stars niya rito?  “Sina EA Guzman, Lou Veloso, Albie Casiño, Ate Gay, Iñaki Torres, and Drei Arias po.”

Nabanggit din ni Yana na nakaranas siyang mapagalitan at masigawan dito ni Direk Joel.

Esplika ni Yana, “Sa una po nagulat ako kay direk Joel kasi po ang daming beses niya ako pinagalitan and sinigawan. Pero nagpapasalamat po talaga ako sa kanya kasi tinulungan niya ako umarte nang maayos,” nakangiting sambit niya.

Inusisa rin namin kung nakailang pelikula na siya?

Tugon ng aktres, “Naka-four to five movies po ang na-shoot na and dalawa ang lumabas na po. Ito iyong Pula Ang Kulay Ng Gabi at Losers-1 Suckers-0 po.”

Ano ang project niya ngayon? “Right now wala pa po akong ginagawang movie project, pero I’ve appeared in fashion shows like Algodon and Bench Fashion Week.”

Nasabi rin ng aktres kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

Pahayag ni Yana, “Actually nagwo-work po ako sa Japanese company here in Manila and nag-focus po ako sa pagmo-model, sa social media, and at the same time, sumasali po ako sa mga acting workshop.”

Ano pa ang wish niyang mangyari sa kanyang showbiz career?

“Ang dami ko pa pong wish na mangyari sa showbiz. Gusto ko pa po lumabas sa movies and sunod naman po sa mga teleserye. I wish to be in the TV soon po,” pakli ni Yana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …