Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Hart High On Sex 2

Angelica Hart, magpapatakam sa seryeng High On Sex 2 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Angelica Hart sa tampok sa seryeng High On Sex 2 na mapapanood na sa July 2.

Ito ay isang hit Vivamax Original Series created by direk GB Sampedro. Bibida rito ang mga up-and-coming at nakakaakit na Pantasiya ng Vivamax na sina Clifford Pusing, Angelica, Apple Dy, Aiko Garcia, Audrey Avila, at Cess Garcia.

Gumaganap dito si Angelica bilang si Joanna, ang conservative at demure-looking na dalaga, pero ang totoo ay may hidden kink ito at naiisip din na i-explore pa ang kanyang sexuality.

Dito’y maraming kaabang-abang na maiinit na eksena ang sexy actress,

Sa vital statistics niyang 34-26-35, maraming barako ang matatakam sa hotness ng dalaga.

Gaano siya ka-sexy sa High On Sex2? Sino naka-love scene niya rito?

Esplika ng flawless at hot na hot na aktres, “Siyempre bigay din ang lahat… Si Aiko Garcia ang makaka-partner ko… pansexual kasi ako rito sa movie.”

Ano ang ipinasilip niya sa movie na mae-excite ang boys?  

“Of course po, may pasilip ng boobs and mayroon ding butt exposure, hehehe,” nakangiting wika pa niya. 

Si Angeleica ay napanood na sa PantaXa at Legit, pero kakaibang pampatakam ang masisilip sa kanya sa HOS 2.

Nagkuwento rin ang 19 year old na hottie, kung paano siya nag-start sa showbiz.

Pahayag ni Angelica, “Bago po ako nag-Vivamax, dati akong host sa mga event. Since 12 years old po ako, nagwo-workshop na ako sa teatro. Bago po ako nag-sign sa Viva, nakalabas na po ako sa Lunch Out Loud, (LOL)

“I played the role of Joanna rito sa serye, na anak ng pastora, na parang may lesbian na karelasyon.”

Saan mas masarap makipag love scene, sa babae o sa lalaki?

“Masarap makipag-love scene? Hmm,… para sa akin pareho eh, wala rin naman pinagkaiba, pareho rin namang wild, hahaha!” Nakatawang wika ni Angelica.

Paano siya naghanda sa role niya sa serye?

“Iyong preparation ko po rito sa High On Sex 2, first po, binasa ko po muna yung script, binasa ko po siya ng ilang beses and then tinignan ko po kung ano talaga si Joanna.

“Ang kinuha ko pong parang peg, iyong isang karakter kasi sa PantaXa na ganoon iyong ugali, kung paano siya magsalita, kung paano siya gumalaw, medyo kumuha ako ng hint na puwede kong gamitin at puwede kong iano sa HOS po.”

May frontal nudity ba siya rito? Sa PantaXa ba, mayroon?

“Mayroon po, pero hindi pa rin kasali yung sa bandang ibaba, hahaha! Sa PantaXa, mayroon din naman po,” pakli pa niya.

Makakasama rin nila sa seryeng High (School) on Sex 2 sina Van Allen Ong, Jamilla Obispo, Francine Garcia, Jason Evans, Rolando Inocencio, Gene Padilla, Giselle Sanchez, Matt Francisco, Armani Hector, Aila Cruz, at Armina Alegre.

Abangan ang bagong season ng High school serye. Mapapanood na ang High (School) on Sex 2, streaming exclusively sa Vivamax ngayong July 2, 2023, with fresh episode every Sunday.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …