Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
San Jose del Monte City SJDM

 Termite gang umatake, pawnshop sa Bulacan nilooban

Halos nalimas ang laman ng vault ng isang sanglaan nang pasukin at pagnakawan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa San Jose del Monte City, Bulacan. 

Napag-alamang Martes ng umaga nang makita ng mga tauhan ng pawnshop na may butas ang sahig ng kanilang pinaglilingkurang establisyemento.

Ipinagbigay-alam nila ito sa San Jose del Monte City Police Station (CPS) na kaagad nag-imbestiga hanggang nakita ng mga operatiba na ang butas ay nakadugtong sa kanal na pinaniniwalaang hinukay ng mga suspek.

Sa paghahalughog ng pulisya ay narekober nila ang ilang gamit sa paghuhukay ng lupa at pagputol ng bakal na iniwanan ng mga suspek matapos makapangulimbat sa pawnshop sa pamamagitan ng pagsira sa vault.

Sinasabing ang ganitong estilo ay trabaho ng tinaguriang “termite gang” na ang mga miyembro ay dating mga minero kaya bihasa sa paghuhukay ng lupa.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang kabuuang halaga ng pera, alahas at iba pang aria-arian na natangay sa niloobang pawnshop.

Kasunod nito ay isang manhunt operation ang ikinasa ng mga operatiba ng SJDM CPS upang makilala at matunton ang mga suspek sa pamamagitan ng pagsasagawa ng backtracking ng mga CCTV sa paligid.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …