Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Kampanya vs krimen pinaigting  
6 AKUSADO NASAKOTE

SA PINAG-IBAYONG kampanya ng pulisya laban sa krimen, sunod-sunod na pinagdadampot ang anim na indibiduwal na pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 10 Hunyo.

Nasukol ng tracker team ng Bulacan 2nd PMFC at warrant operatives ng San Rafael MPS ang suspek na kinilalang si Henry Dela Cruz, may warrants of arrest sa dalawang bilang ng kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng RA 7610; dalawang bilang ng kasong Lascivious Conduct alinsunod sa RA 7610; at limang bilang ng kasong Qualified Rape na inamyendahan ng RA 8353, at walang inirekomendang piyansa.

Sa nasabing magkasanib na operasyon ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS, nadakip ang suspek na kinilalang si Romel Ganas, may warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft.

Gayondin, sa kampanya laban sa ilegal na droga, naaresto ng mga tauhan ng San Miguel MPS Drug Enforcement Unit ang drug peddler na nasa PNP/PDEA drugs watchlist na kinilalang sina Joseph Pori at Allan Badar sa Brgy. Salangan, sa bayan ng San Miguel, nakompiskahan ng 10 selyadong pakete ng plastik ng shabu.

Samantala, nasukol ng mga elemento ng Malolos CPS ang mga suspek na kinilalang sina Teodulo Ponce at Mary Leslie Jane Ponce sa pagbibiyahe ng mga puslit na sigarilyo sa Brgy. Tikay, sa lungsod ng  Malolos.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines (Section 155 at Section 170-selling and transporting of suspected Fake/Counterfeit Cigarettes), paglabag sa RA 8424 (Tax Reform Act of 1997), paglabag sa RA 10643 (The Graphic Health Warnings Law), paglabag sa RA 7394 (Consumer Act Law), at paglabag sa  RA 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003). (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …