Thursday , May 8 2025
Dengue, Mosquito, Lamok

Ngayong tag-ulan
DENGUE CONTROL PINAIGTING

NGAYONG dumating na ang panahon ng tag-ulan, mas pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang mga hakbang upang kontrolin, kung hindi man lubusang mapigilan, ang pagkalat ng Dengue virus sa lalawigan.

Sa inilabas na ulat ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ang lalawigan ng may kabuuang bilang na 1,290 suspected Dengue cases mula 1 Enero hanggang 27 Mayo, ito ay 41% na mas mababa kompara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, nakapagtala ng anim na kaso ng pagkamatay na may kinalaman sa Dengue.

Dagdag dito, limang bayan at lungsod ang natukoy na may barangay na may clustering o pagkakaroon ng apat o higit pang kaso ng Dengue sa nakalipas na dalawang linggo kabilang ang Brgy. Kaypian, Muzon, at Sto. Cristo ng lungsod ng San Jose Del Monte; Brgy. Lambakin at Nagbalon ng bayan ng Marilao; Brgy. Lawa at Pandayan ng lungsod ng Meycauayan; Brgy. Poblacion ng bayan ng Pandi; at Brgy. San Mateo ng bayan ng Norzagaray.

Ang mga apektadong edad ay mula 1-85 anyos ngunit karamihan ng mga kaso ay mula sa edad na 1-10 anyos, na may 46% kabuuang kaso.

Dahil dito, nilagdaan ni Gob. Daniel Fernando ang Memorandum DRF-03242023-121 for Awareness of Dengue Prevention and Control para sa 24 punong bayan at lalawigan upang umaksiyon at palakasin ang Barangay Dengue Task Force.

Pinaalalahanan ng gobernador ang mga Bulakenyo na gawin ang kanilang bahagi upang protektahan ang kanilang mga sarili laban sa banta ng Dengue.

“Panahon na naman po ng tag-ulan, iwasan po natin na mag-imbak ng mga tubig na maaaring pangitlogan ng mga lamok. Hanggang maaari, takpan na lang ito o itapon. Magtulungan po tayong lahat upang mapuksa itong breeding sites ng mga lamok at panatilihin din po natin na malinis ang ating mga tahanan. Ugaliin rin po natin na gumamit ng mga mosquito repellent upang makaiwas sa kagat nito,” anang gobernador.

Patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng Dengue Chemicals at Dengue NS1 Kits sa mga bayan at lalawigan pati sa mga ospital sa lalawigan at sumusuporta sa fogging at spraying upang mapuksa ang mga lamok.

Kung ang isang tao ay nakararanas ng lagnat sa loob ng dalawang araw o higit pa, inaabisohan ng Provincial Health Office-Public Health ang publiko na magpakonsulta sa pinakamalapit na ospital o Rural Health Unit para sa iba pang pagsusuri.

Ang Dengue ay isang sakit na naisasalin mula sa kagat ng babaeng lamok o ang Aedes Aegypti na malimit manirahan at mangnitlog sa malilinis na tubig.

Sa panahon ng tag-ulan, mas maraming pangitlogan ng lamok ang inaasahan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …