Friday , November 15 2024
CIDG IP Manila Associates, Inc

Mga pekeng Crocs, Havaianas, Nike at Adidas ikinakalat
PHP201 MILYONG HALAGA NG MGA PEKENG  TSINELAS NASAMSAM SA LIMANG CHINESE NATIONALS

Muling umiskor ang mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Region 3 nang masamsam ang may PhP201 milyong halaga ng mga pekeng tsinelas at pagkaaresto ng limang Chinese nationals sa dalawang araw na operasyon sa Bulacan. 

Ang magkatuwang na mga ahente ng CIDG Regional Field Unit 3, CIDG Bulacan Field Unit at IP Manila Associates, Inc. ang nagsagawa ng malawakang police operation sa patuloy nitong kampanya laban sa smuggling, manufacturing at trading ng mga counterfeited items/products.

Nitong nakaraang Lunes, Hunyo 5,  dakong alas-7:00 ng gabi, sina Lin Chang Jiang 33, Wu Gu Ding 60, at Chu Jen Huang, 64, ay inaresto sa King Sport Property Compound, Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan at ang tatlo ay naaktuhan sa pagbebenta ng mga pekeng Crocs sandals.

May kabuuang 1,311 sako na naglalaman ng  62 libong pares ng pekeng Crocs sandals ang nakumpiska mula sa mga naarestong suspek na tinatayang ang halaga ay aabutin ng   Php180 million.

Kasunod nito, dakong alas-2:45 ng hapon nitong Martes, Hunyo 6, sina Shuzhen Wang, 27 at Zhengfeng Lin, 37, ay arestado sa paglalako ng mga pekeng Crocs sa Warehouse No. 3, Duhat Road, Barangay Duhat, Bucaue, Bulacan.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mga piraso ng ebidensiya na halagang  Php1,012,500.00 tulad ng isang puting envelope na naglalaman ng markadong boodle money; isang puting sako na naglalaman ng 25 pares ng pekeng “Crocs” footwear; isang Passport ID ni Shuzhen Wang at LTO Driver’s License ni Zhenfeng Lin; dalawang cellular phones; cash sa iba’t-ibang denominasyon na halagang Php24,400.00; isang truck na may kargang 41 sako na naglalaman ng 25 pares ng Crocs footwear; at isang truck na may kargang 40 sako na naglalaman ng 25 pares ng  Crocs footwear.

Habang nagsasagawa ng paghalughog, ang mga awtoridad ay nadiskubre ang bodega na puno ng mga pekeng Havaianas, Nike, Adidas footwear at sandals na tinatayang ang halaga ay aabutin ng humigit-kumulang sa Php20 million.

Ayon kay CIDG Director PBGeneral Romeo Caramat Jr., “They represent themselves as authorized distributor of “CROCS” products, inducing the public to believe that the goods offered are original, at a price that is way below the distributor price of the company. Further investigation is being conducted by the detectives of CIDG 3 to identify and locate the supplier of the seized counterfeit products”.

Una nang nagsagawa ng kahalintulad na operasyon ang CIDG Regional Field Unit kung saan naaresto ang anim na indibiduwal at pagkakumpiska ng Php13.5 milyong halaga ng mga pekeng Crocs products noong May 24, 2023 sa Marilao, Bulacan.

Ang mga arestadong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa CIDG RFU3 office para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon samantalang inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng mga kasong paglabag sa Sec. 155, 168 at 169, R.A. 8293 na lalong kilala bilang Intellectual Property Code of the Philippines. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …