Sunday , November 17 2024
OFW

 ‘Unified e-gov approach’ kailangan para sa mga OFW

IDINIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Migrant Workers’ Day ang pangangailangan ng unified at magkakaugnay na sistema ng e-governance para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) para aniya mapadali at mapabilis ang serbisyo ng gobyerno para sa kanila.

“Halimbawa sa education, sasabihin may scholarship sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), pero pagdating dito ituturo sa DepEd (Department of Education), sa TESDA (Technical Education And Skills Development Authority), et cetera. It’s not an excuse. Talagang nagkakaroon na ng ganun,” sabi ni Cayetano nitong January 7 sa ikalawang pagpupulong ng Senate Committee on Science and Technology para talakayin ang mga panukalang batas sa e-governance na inihain sa Senado

“So hopefully with one department, isa lang ang kausap nila,” wika ng committee chair.

Binanggit din ni Cayetano na bilang principal author sa House of Representatives ng panukalang batas na lumikha sa Department of Migrant Workers (DMW), ang layunin niya ay magkaroon ng isang kagawan na tutugon sa mga pangangailangan ng mga OFW.

Sinabi ni Cayetano na para sa mga OFW, isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) kapag bumisita sila sa Pilipinas. Aniya, marami ang natatakot na mawalan ng pagkakataong makabalik sa kani-kanilang mga bansang pinagtatrabahuhan dahil lamang sa pagkabigo na makuha ang OEC.

“Many of the OFWs mas gusto nila pag aalis sila from where they have employment, meron na silang OEC,” wika niya.

Kinumpirma ni DMW Director Charles Tabbu na mayroong ganitong feature ang DMW mobile app.

““That’s correct po. Bale, y’ung mobile app po, may indicator po doon through the QR code, Kapag nag-green na ‘yung QR code, it means good to go na siya. The QR code is equivalent to a standard OEC po,” aniya.

Ang DMW mobile app ay available para sa iOS at Android devices at nagsisilbing repository ng mahahalagang impormasyon ng OFW tulad ng mga detalye ng pasaporte, larawan, at mga detalye ng trabaho.

Ayon sa app, kabilang sa mga feature nito ay ang “online application for their digital OEC.”

Sinabi naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary David Almirol na kailangang i-integrate ang DMW app sa “super app” ng DICT — ang eGov PH — na inaasahang maglalaman ng mga link sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Almirol na gayong naiintindihan niya ang mga pangamba ng ibang ahensya, ganap ang kontrol nila sa kani-kanilang mga sistema habang nasa super app.

“E-governance is not to take over and do your job, and we will not interfere in your mandate. Our job is to bring ease of doing business to people,” wika niya

Hinimok ni Cayetano ang DMW at lahat ng kagawaran ng gobyerno na isama ang kani-kanilang mga sistema sa eGov PH app, na pwede nang ma-download ngayon para sa mga mobile phone.

“I think there’s so much pa with IT and social media that we can use to really help our OFWs feel really that they are modern day heroes,” wika niya. (NIÑO ACLAN)

About Nonie Nicasio

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …