Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 18)

NANLUMO SI MARIO NANG MAKITA ANG GIBANG TOLDA NG PIKETLAYN

Ngunit bumulaga sa kanya doon ang gibang tolda ng mga ka-manggagawa. Nasa isang tabi ang nagkayupi-yuping malaking aluminyong talyasi na gamit sa pagluluto ng sinaing, nagkalat ang bubog ng basag na mga pinggan at baso, gutay-gutay ang mga plakard na nabahiran ng dugo sa semento, at wala nang isa mang tao sa piketlayn. Ang mga pulyeto na kinapapalooban ng mga hinaing at reklamo ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ay parang inihehele-hele ng malakas na bugso ng hangin sa tapat ng gate ng pabrika.

Tigagal, hindi nakababa ng traysikel si Mario.

Sumaisip niya ang ka-manggagawang si Baldo. Malaking lalaki ito, hindi kukulangin sa anim na talampakan ang taas. May mapipintog na mga masel na tila-bato sa tigas. Parang sa kalabaw ang lakas na taglay nito. Ang binubuhat ng dalawa o tatlo-katao sa kanilang pabrika ay mag-isang kinakaya ni Baldo.

Naninirahan si Baldo sa likod ng mataas na pader ng pabrika. Dito siya nagpahatid sa tricycle boy.

Pinatuloy siya ni Baldo sa loob ng tirahang barung-barong.  Naupo sila sa lapag ng sahig. Isang Baldong giyagis ng panlulumo at alipin ng matinding sama ng loob ang nakaharap niya. Laglag ang magkabilang balikat. Luma-latay sa mukha nito sa pagkukuwento ang mapapait na pangyayaring naganap sa piketlayn,  dalawang araw pa lang ang nakararaan.

“Marahas na binuwag ang piketlayn,” nasa tinig ni Baldo ang lungkot.” Dinumog kami ng mga bayarang goons… At nagkagulo na nga!”

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …