Saturday , April 26 2025

PHILRACOM nagpahayag ng suporta sa hagdang bato vs crusis

Nagpahayag ng suporta ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa hinihinging labanan ng dalawang kampeon sa pagitan ng local at imported na mananakbo sa bansa —Hagdang Bato na pambato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at Crusis na alaga naman ni dating Philracom Commissioner Marlon Cunanan.

Sinabi  ni Philracom Chairman Angel Lopez Castano Jr. na sinusuportahan nila ang panawagan ng bayang karerista para sa Hagdang Bato vs Crusis sa isang spectacular na laban na siyang pinapangarap ng publikong karerista.

Naniniwala si Castano na malaki ang maitutulong para makilala ang industriya ng karera sa bansa kung susuportahan ang kagustuhan ng publiko na makapanood ng tunay na laban ng mga kampeon lalo na sa pagitan ng imported at local na mananakbong kabayo sa bansa.

Ibinunyag pa ng Philracom na isang malaking laban para sa dalawang kampeon ang kanilang binabalak na popondohan ng malaking halaga bilang papremyo para lamang sa isang spectacular na laban.

Hindi ibinunyag ni Castano ang kanilang programa subalit sinabi nito na kasalukuyang nang pinag-uusapan ng board sa mga isinasagawang pulong ang paglalaan ng isang malaking papremyo para sa isang laban ng mga tunay na kampeon sa industriya ng karera sa bansa.

Pasasalamat naman ang ipinarating ng komisyon sa Hataw sa suportang ibinibigay sa industriya ng karera sa bansa.

“Magandang laban kung matutuloy ang Hagdang Bato Vs. Crusis,” ani Castano.

Si Hagdang Bato ang kasalukuyang kampeon at itinuturing na pinakamagaling na mananakbo sa local horses na tinanghal na 2011 Juvenile champion, 2012 Triple Crown granslam champion at 2012 Presidential Gold Cup champion.

Si Crusis naman ang kampeon sa hanay ng mga imported na pinapangarap na magkaharap sa nalalapit na 2013 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Championship na gaganapin sa Nobyembre 17, sa pista ng Metro Manila Turf Club sa Malvar,Batangas.

Ang naturang pakarera ay may nakalaang P2-milyon  papremyo na tatawid sa distansiyang 2,000 meters.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *