Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
60 PASAWAY KALABOSO SA 24 ORAS NA POLICE OPERATIONS

Sa loob ng 24 na oras ay 60 pasaway at mga tigasing indibiduwal na pawang may paglabag sa batas ang naaresto ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga, Mayo 14.
Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa 60 indibiduwal na lumabag sa batas ay 26 ang arestado sa paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) ng San Jose Del Monte, San Rafael, Malolos, Calumpit at Guiguinto C/MPS, at 10 rito ay naaresto sa Brgy. Bangkal, Malolos City sa sugal na cara y cruz.
Samantalang 12 namang indibiduwal na may warrants of arrest ang nadakip sa inilatag na manhunt operations laban sa mga wanted persons ng tracker teams ng 1st PMFC, San Jose del Monte, Meycauayan, Guiguinto, San Rafael, Norzagaray, Hagonoy at Malolos C/MPS.
Isinilbi ang warrant of arrest laban kay Kenneth Panit, 26, ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS para sa paglabag sa RA 9262 at robbery.
Ang naturang arestadong akusado ay nakatala bilang Most Wanted Person sa city level para sa buwan ng Mayo 2023.
Sa wala namang humpay na pagsisikap ng Bulacan PNP laban sa iligal na droga ay nagbunga sa pagkaaresto ng 14 na tulak at pagkakumpiska ng 46 selyadong pakete ng plastic ng shabu.
Arestado ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS si Raven Dayrit, 29 sa ikinasang buy-bust operation at narekober sa kanyang pag-iingat ang 9mm Pietro Beretta replica pistol.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …