Naaresto ng mga awtoridad ang isang indibiduwal na nasa watchlisted ng PNP at PDEA na kabilang sa tatlumpung katao na nalambat sa operasyong isinagawa sa Bulacan hangang kahapon ng umaga, Mayo 10.
Kinumpirma ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pagkaaresto ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS kay Donovar Santos, na nakatala sa PNP/PDEA Watchlist, para sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 at RA 10591.
Nakumpiska mula sa suspek ang walong pakete ng pinaghihinalaang shabu na may street value na Php 43,044.00 at isang caliber .38 revolver na Smith and Wesson na kargado ng bala.
Gayundin, 15 pang indibiduwal ang naaresto rin para sa paglabag sa RA 9165 ng mga tauhan mula sa Pulilan, Guiguinto, Plaridel, San Jose del Monte, Norzagaray at Calumpit C/MPS, na nakumpiskahan ng kabuuang 46 pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Samantala, ang tracker teams ng iba’t-ibang police stations at ng 2nd PMFC, Bulacan PPO, ay arestado ang 14 indibiduwal na may warrants of arrest.
Isa sa mga naaresto ng mga tauhan ng San Ildefonso MPS ay si Judy Ann Valero, 32 na may dalawang magkahiwalay na warrants of arrest para sa paglabag sa kasong Estafa at BP 22..
’
Arestado naman para sa kasong extortion matapos manghingi ng Php 450, 000.00 mula sa nagrereklamo ang suspek na si Rommel Aviso, 41, na dinampot matapos ang ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Meycauayan CPS kamakalawa ng tanghali.(Micka Bautista)