Wednesday , May 7 2025
Bongbong Marcos Joe Biden

‘Greater economic engagement’, target ni FM Jr. sa US trip

UMALIS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Patunging Estados Unidos para sa apat na araw na official visit sa layuning talakayin kay US President Joe Biden ang “greater economic engagement” at isulong ang mga isyung makatutulong sa interes ng Filipinas.

“I intend to speak and find opportunities in the semi-conductor industry, critical minerals, renewable and clean energy – including nuclear – and infrastructure projects that will improve our digital telecommunications systems and facilitate sustainable efforts to address climate change,” ayon kay FM Jr. sa  kanyang pre-departure speech.

Inaasahan din ng Filipinas na masungkit din ang ayuda ng US sa food security, agriculture, at cybersecurity.

“I intend to convey to President Biden and his senior cabinet officials that [the Philippines is] determined to forge an even stronger relationship with the United States in a wide range of areas that not only address concerns of our times but also those that are critical to advancing our core interests,” anang Pangulo

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na “puno” ang apat na araw na pagbisita ni Marcos Jr. Ang mga pagpupulong ay nakatakda sa mga lider ng negosyo na nagtatrabaho sa mga sektor ng nuclear at renewable energy, pangangalaga sa kalusugan, at turismo.

“One of these companies is NuScale, whose groundbreaking and proprietary technology in designing advanced nuclear small modular reactors has made it an industry leader,sabi ni Romualdez.

Si Marcos Jr. ay pursigidong gamitin ang nuclear power, kasama ang paglipat ng Filipinas sa renewable energy, sa gitna ng krisis sa enerhiya ng bansa.

Nauna nang sinabi ng Manila at Washington na isang potensyal na US-Philippines Civil Nuclear Cooperation Agreement o ang 123 agreement ay pinag-uusapan. Magbibigay ito ng balangkas para sa kooperasyong nukleyar sa pagitan ng dalawang bansa para sa pagsasanay na kailangan para sa maliliit na modular reactor at iba pang clean energy solutions.

Ang pagbisita ay matapos ang sunud-sunod na opisyal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Manila at Washington – mula sa mabilisang pagtungo ni US Vice President Kamala Harris sa Filipinas noong Setyembre, at muli niyang pinagtibay ang pangako ng US sa pagtatanggol sa Filipinas sa gitna ng mga rehiyonal na tensyon at isyu sa West Philippine Sea , sa kamakailang 2+2 Ministerial Dialogue ng mga kalihim ng depensa at foreign affairs ng parehong bansa.

Nakipagpulong na si Marcos Jr. kay Biden noong nakaraang taon noong Setyembre, sa sideline ng United Nations General Assembly.

Ito ang ika-10 opisyal na paglalakbay sa ibang bansa ng punong ehekutibo mula nang manungkulan noong nakaraang taon. Pagkatapos ng US, si Marcos Jr. ay tutungo sa United Kingdom para dumalo sa koronasyon ni Charles III sa Mayo 6 at dadalo rin siya sa 42nd ASEAN Summit sa Indonesia sa Mayo 9 hanggang 11. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Sara Duterte Zuleika Lopez Atty Lorna Kapunan

Disbarment laban kina VP Sara, Zuleika nararapat — Kapunan

IGINIIT ni Atty. Lorna Kapunan na bukod kay Vice President Sara Duterte ay dapat din …

050625 Hataw Frontpage

FPJ Panday Bayanihan, pasok sa top 2 ng Luzon

HATAW News Team SA PINAKABAGONG WR Numero survey ngayong Abril 2025, pumangalawa ang FPJ Panday …

Sam Verzosa

SV positibong kakampi ang Manilenyo

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBONG independent candidate si Sam “SV” Verzosa bilang alkalde ng Maynila. Pero hindi …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …