NAGPAHAYAG ng dalamhati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario.
Si Del Rosario, na tinukoy ni Marcos Jr. bilang “an honorable diplomat and an esteemed public servant,” ay nasawi kahapon sa edad na 83 taong gulang.
“I join the entire nation in mourning the passing of former Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, an honorable diplomat and an esteemed public servant,”anang Pangulo sa isang kalatas.
“I extend my deepest sympathies to the family and loved ones of Secretary del Rosario, who was known for his patriotism and integrity. We thank his deep commitment to our national interest and his unwavering devotion to our shared values,” dagdag niya.
Pinangunahan ni Del Rosario ang pagsasampa ng arbitration case ng bansa laban sa China kaugnay sa West Philippine Sea noong 2013 at ang desisyon ay pumabor sa Filipinas. (ROSE NOVENARIO)
Check Also
Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital
PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …
Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI
ni GERRY BALDO SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …
Sports para sa pagkakaisa
SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …
Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon
NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …
2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado
Kampo Heneral Paciano Rizal – Naaresto ang dalawang drug personalities sa ikinasang buybust operation ng …