Friday , April 18 2025
Suzette S Doctolero KWF Dangal ng Panitikan 2023

Suzette S. Doctolero, Gagawaran ng KWF Dangal ng Panitikan 2023

Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino si Suzettte S. Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 sa KWF Araw ng Parangal na gaganapin sa 27 Abril 2023, 10:00 nu–12:00 nt, Grand Ballroom, Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Lungsod Maynila.

Ang kaniyang kontribusyon at hindi matatawarang ambag sa larangan ng telebisyon na nagtampok sa iba’t ibang kulturang Pilipino gamit ang wikang Filipino ay natunghayan ng mga Pilipino sa kaniyang mga obra gaya ng Encantadia, Amaya, Indio, Sahaya, Legal Wives, at Maria Clara at Ibarra. Bílang eskperto sa larangan ng malikhaing pagsulat ng iba’t ibang obra ay patuloy niyang isinulong at pinasigla ang Panitikan Pilipino sa telebisyon at industriya ng pelikula.

Nakapagbigay rin siya ng mga panayam sa iba’t ibang institusyong pang-akademiko bilang kaniyang adbokasiya na makapagbahagi ng kaalaman sa mga estudyante hinggil sa iba’t ibang aspekto ng pagsusulat sa telebisyon at pelikula.

Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …