Monday , December 23 2024
riding in tandem dead

Sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga
ABUGADO NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang abugado matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa harap ng isang ospital sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga kahapon ng umaga, Abril 17.

Sa ulat mula kay PLt.Colonel Preston Bagangan, hepe ng San Fernando City Police Station, ang biktima ng pamamaril ay kinilalang si Atty. Gerome N. Tubig, provincial Legal Officer ng Pampanga.

Samantala, inilarawan ang mga suspek sa krimen na kapuwa nakasuot ng pantalon, black jacket na may stripe at helmet na sakay ng motorsiklo patakas papunta sa direksiyon ng Brgy. Dolores, Lungsod ng San Fernando.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, napag-alamang dakong alas-7:30 ng umaga nang ang biktima ay dumating sa parking lot sa harap ng VL Makabali Hospital sa Brgy. Sto. Rosario, sa naturang lungsod nang biglang sumulpot ang mga nakamotorsiklong suspek gamit ang kulay itim at pulang Aerox.

Dito ay walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspek ang biktima ng maraming beses gamit ang hindi pa malamang kalibre ng baril at saka mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng Brgy. Dolores..

Kaagad namang isinugod ng mga nagrespondeng mamamayan ang biktima sa loob mismo ng VL Maakabali Hospital para sa agarang medical tratment.

Nagresponde ang mga tauhan mula sa Sub-Station 1 at Sub-Station 2 ng San Fernando CPS at nagsagawa ng flash alarm para sa posibleng pagkaaresto ng mga suspek samantalang ang SOCO mula sa RFU3 ay nagsagawa ng pagproseso sa lugar kung saan naganap ang krimen. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …