Sunday , December 22 2024
Janah Zaplan

Dancing On My Own ni Janah Zaplan, may hatid na positivity at inspirasyon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SWAK na pampaindak ang bagong kanta ng Kapamilya dance-pop artist na si Janah Zaplan na pinamagatang “Dancing On My Own.”

Ang Dancing On My Own ay hinggil sa ‘pagsayaw’ sa buhay sa kanya-kanyang paraan, sa panahon man ng kagipitan o kasiyahan. Isinulat ito ni Robert William Anchuvas Pereña at prodyus naman ni Star Pop label head na si Rox Santos.

“My feet won’t stop dancing to this tune! Show your moves too and make this music your own,” paghihikayat ni Janah tungkol sa kanyang latest song.

Isa si Janah sa up-and-coming artists na mula sa ABS-CBN Music roster. Sa naging panayam niya sa OneMusicPH YouTube channel, sinabi niyang nais maghatid ng positivity at sigla sa listeners sa pamamagitan ng kanyang musika.

“I want to inspire them to grow and develop themselves more para ma-share nila iyong aura nila na maganda, masaya, and positive,” wika pa ni Janah na kasalukuyang nag-aaral para maging piloto.

Last year ay inilabas ng talented na singer-performer ang mga awiting “Maiba Naman” at “Eh Ano Ngayon?!”

Napapakinggan na ang “Dancing On My Own” sa iba’t ibang digital platforms at napapanood din ang visualizer nito sa YouTube. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Para sa additional updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …